tl_tn/luk/07/36.md

1.2 KiB

Pahayag na Nag-uugnay:

Isang Pariseo ang nag-anyaya kay Jesus upang kumain sa kaniyang tahanan.

Pangkalahatang Impormasyon:

Ito ay isang kagawian sa panahong iyon na ang mga manonood na dumalo sa hapunan ay hindi kumakain.

Ngayon, may isang Pariseo

Ito ay tanda sa pagsisimula ng isang bagong bahagi ng kuwento at ipinapakilala ang Pariseo sa kuwento.

sumandal siya sa mesa upang kumain

"naupo sa may mesa upang kumain." Ito ang kaugalian sa isang nakakapahingang pagkakain tulad nitong hapunan para sa mga lalaki upang kumain habang nakahiga ng maginhawa sa paligid ng mesa.

Masdan ito, may isang babae

Ang salitang "masdan" ay magpahayag ng hudyat sa atin sa isang bagong tauhan sa kuwento. Ang iyong wika ay maaaring may paraan ng paggawa nito.

na isang makasalanan

Siya ay maaaring babae na nagbebenta ng aliw. Maaaring isalin na: "na namuhay sa kasalanan" o "nagkaroon ng reputasyon na namumuhay sa kasalanan."

isang alabastro ng pabango

"isang garapon na gawa sa malambot na bato." Ang alabastro ay isang malambot na puting bato. Iniimbak ng mga tao ang mga mamahaling bagay sa mga alabastrong banga.

ng kaniyang buhok

Maaaring isalin na: "ng kaniyang buhok"