tl_tn/job/03/04.md

1.2 KiB

Sana napuno na lang ng kadiliman ang araw na iyon...o kaya sikatan pa ito ng araw

Ang dalawang sugnay na ito ay naglalarawan ng kadiliman ng araw ng kapanganakan ni Job, ipinapakita nito na nagsisisi si Job dahil ipinanganak pa siya.

napuno na lang ng kadiliman

Ang kadiliman ay isang metonimi sa isang bagay na hindi naman nabuhay. Maaaring Isalin na: "hayaang maglaho ang araw na iyon." (Tingnan: rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy)

huwag na sana itong maalala ng Diyos

Maaaring Isalin na: "hindi na sana maalala ng Diyos"

Sana angkinin na lang ito ng kadiliman at ng anino ng kamatayan

Ang kakayahan ng tao na umangkin ng isang bagay ay ginamit din sa pag-angkin ng kadiliman at anino ng kamatayan. Ang salitang "ito" ay tumutukoy sa araw ng kapanganakan ni Job. (Tingnan: rc://tl/ta/man/translate/figs-personification)

balutan na lang ng madilim na ulap

"hayaan na takpan ito ng ulap." Maaaring Isalin na: "hayaan na takpan ito ng ulap para walang makakita nito." (Tingnan: rc://tl/ta/man/translate/figs-explicit)

lahat ng nagpapadilim sa umaga

Ito ay tumutukoy sa mga bagay na humaharang sa sikat ng araw.

rc://tl/bible/questions/comprehension/job/03

rc://tl/bible/questions/comprehension/job/03