tl_tn/hos/05/05.md

1.4 KiB

Nagpapatotoo ang pagmamataas ng Israel laban sa kaniya

Naglalarawan ito na ang "pagmamataas" bilang isang tao na nagpapatotoo laban sa mga tao ng Israel sa hukuman. Nangangahulugan ito sa kanilang mapagmalaking pagkilos at pag-uugali na nagpapakitang sila ay makasalanan sa hindi pagsunod kay Yahweh. (See: rc://tl/ta/man/translate/figs-personification)

kaya matitisod ang Israel at Efraim sa kanilang mga kasalanan; at matitisod din ang Juda kasama nila

Nangangahulugan ito na paparusahan ng Diyos ang parehong hilaga at katimugang kaharian ng Israel sapagkat mapagmataas ang mga tao. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-idiom)

Hindi sila naging tapat kay Yahweh, sapagkat nagkaroon sila ng mga anak sa labas

Mga maaaring kahulugan ay 1) ito ay nangangahulugan na nag-aasawa ang mga Israelita ng mga tao mula sa ibang mga bansa at nagkaroon sila ng mga anak sa kanila o 2) nangangahulugan ito na ang mga magulang na Israelita ay hindi naging tapat kay Yahweh at tinuturuan nila ang kanilang mga anak upang sumamba sa mga diyus-diyosan.

Lalamunin sila ngayon ng mga pista ng bagong buwan kasama ng kanilang mga bukirin.

Ang mga Israelita ay dapat magdiwang tuwing bagong buwan. Dito, inilalarawan ito na ang "pista ng bagong buwan" bilang isang hayop na kakain sa mga tao at kanilang mga bukirin. Nangangahulugan ito na ganap silang lilipulin ng Diyos. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-personification)