tl_tn/1ch/05/01.md

1.3 KiB

ngayon si Ruben

Ang salitang "ngayon" ay ginamit dito upang bigyang tanda ang pagbabago mula sa talaan ng mga kaapu-apuhan tungo sa impormasyon tungkol kay Ruben. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/writing-background)

ngunit ang kaniyang karapatan bilang panganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel

"ngunit ibinigay ni Israel ang karapatan ni Ruben bilang panganay sa mga anak na lalaki ni Jose, isa sa mga anak na lalaki ni Israel" (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive)

dinungisan ni Ruben ang higaan ng kaniyang ama

Ito ay isang magalang na paraan upang sabihin ang tungkol sa pakiki-siping ni Ruben sa pangalawang asawa ng kaniyang ama. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-euphemism) Ang higaan ay isang lugar kung saan ang isang lalaki at kaniyang asawang babae ay nagsisiping. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy)

kaya hindi siya itinala bilang panganay na anak

"Kaya sa kasaysayan ng pamilya ay hindi itinala si Ruben bilang panganay na anak na lalaki" (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive)

Hanoc...Pallu...Hezron...Carmi

Ang mga ito ay pangalan ng mga lalaki. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/translate-names)

rc://tl/bible/questions/comprehension/1ch/05

rc://tl/bible/questions/comprehension/1ch/05