tl_tn/rom/08/20.md

1.7 KiB

Sapagkat napasailalim ang mga nilikha sa pagkawalang-saysay

Maaaring isalin na: "Sapagkat hindi hinayaan ng Diyos na tuparin ng kaniyang mga nilikha ang layunin kung bakoit sila nilikha" (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive)

indi sa sarili nitong kalooban, kundi sa kaniya na siyang nagpasailalim nito

Dito ang "nilikha" ay inilarawan bilang isang tao na may kakayahang magnais. Maaaring isalin na: "hindi dahil ito ang gusto ng mga nilikha, kundi dahil ito ang kagustuhan ng Diyos" (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-personification)

Ito ay dahil sa tiyak na kasiguraduhan na ang nilikha mismo ay maililigtas

Maaaring isalin na: "Dahil alam ng Diyos na ililigtas niya ang nilikha." (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive)

maililigtas mula sa pagkaalipin hanggang sa pagkabulok

Inihambing ni Pablo ang lahat ng nilalang na mga alipin at "bulok" sa nagmamay-ari sa kanila. Maaaring isalin na: "mula sa pagkabulok at pagkamatay" (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-metaphor)

sa kalayaan ng kaluwalhatian ng mga anak ng Diyos.

Maaaring isalin na: "at papalayain niya sila kapag pararangalan niya ang kaniyang mga anak"

Sapagkat alam natin na magkasamang dumadaing at naghihirap sa sakit ang buong nilikha hanggang ngayon

Ang nilalang ay ikinumpara sa babaeng dumadaing habang nanganganak. Maaaring isalin na: "Dahil alam natin na ang lahat ng nilalang ng Diyos ay gustong maging malaya at dumadaing na parang katulad ng babaeng nanganganak. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-metaphor)

rc://tl/bible/questions/comprehension/rom/08

rc://tl/bible/questions/comprehension/rom/08