tl_tn/jas/01/19.md

1.7 KiB

alam ninyo ito

Mga maaaring kahulugan: 1)"Alamin ito" bilang isang utos, upang magbigay pansin tungkol sa aking mga isinulat o 2) "Alam ninyo ito" bilang isang pahayag, na dapat ko kayong paalalahanan sa mga bagay na alam niyo na.

Bawat tao ay dapat mabilis sa pakikinig,dahan-dahan sa pananalita

Dapat munang makinig ang mga tao at pagkatapos isiping mabuti ang kanilang sinasabi.

hindi agad nagagalit

"huwag magalit agad"

ang galit ng tao ay hindi gumagawa ngkatuwiran ng Diyos

Kapag ang tao ay nagalit hindi siya tumatalima o sumusunod sa nais ng Diyos.

alisin ninyo ang lahat ng gawaing makasalanan

Dito ang salitang "dumi ng kasalanan" at "kasamaan" ay nagbabahagi ng parehong kahulugan. Ginamit ni Santiago ang mga ito upang bigyang diin kung gaano kasama ang kasalanan. Maaring Isalin na: "Itigil ang paggawa ng anumang klase ng makasalanang pag uugali."(Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-doublet)

sa kababaang-loob

"walang pagmamataas" o " walang kayabangan"

tanggapin ang itinanim na salita

Ang salitang "itanim" ay nangangahulugan ng paglagay ng isang bagay sa loob ng isa pa. Ito ay isang talinghaga na naglalarawan sa salita ng Diyos na katulad ng isang bagay na naitanim sa loob ng isang tao. Maaring Isalin na: "sumunod sa mensahe ng Diyos na nangungusap sa iyo" (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-metaphor)

makakapagligtas sa inyongkaluluwa.

Dito ang salitang "kaluluwa" ay tumutukoy sa buong pagkatao ng isang tao. Gayundin, kung saan naligtas ang tao ay maaaring sabihin ng malinaw. Maaring Isalin na: "iligtas ka mula sa paghuhukom ng Diyos.(Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-synecdoche and rc://tl/ta/man/translate/figs-explicit)