tl_tn/ezk/31/05.md

1.0 KiB

Ang labis na taas nito ay higit sa kahit na anong punongkahoy sa parang

'Ang punong sedar ay mas mataas kaysa sa anumang punongkahoy sa parang"

naging napakarami ang mga sanga nito

"lumago ito na may napakaraming sanga"

sa paglago nito, humaba ang mga sanga nito dahil sa maraming tubig

"dahil mayroon itong saganang tubig"

Pinamumugaran ng lahat ng ibon sa kalangitan ang mga sanga nito

"Ang lahat ng uri ng mga ibon na lumilipad sa kalangitan ay gumawa ng mga pugad sa mga sanga nito"

habang ang bawat nabubuhay sa parang ay nagsisilang ng kanilang mga anak sa ilalim ng mga dahon nito

"at ang lahat ng mga nilalang na nakatira sa parang ay nagsilang sa ilalim ng mga sanga ng punong sedar"

Nakatira ang lahat ng maraming bansa sa ilalim ng lilim nito

"ang lahat ng makapangyarihang bansa ay nakatira sa lilim nito" o "ang lahat ng makapangyarihang bansa ay nakatira sa lilim ng punongkahoy na iyon" (UDB)

ang kagandahan nito ay sa kalakhan at sa haba ng mga sanga nito

"Maganda ito dahil napakalaki at napakahaba ng mga sanga nito"