tl_tn/mat/11/01.md

1.5 KiB

Pangkalahatang Kaalaman:

Ito ay ang simula ng bagong bahagi ng kwento kung saan sinasabi ng manunulat kung paanong tumugon si Jesus sa mga alagad ni Juan na Tagapagbautismo. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/writing-newevent)

Nangyari

Ang salitang ito ay ginamit upang ipakita na ito ay ang simula ng isang kasaysayan. Kung ang inyong wika ay may pamamaraan sa pagsisimula ng kasaysayan, maaari mo itong gamitin. Maari itong isalin na "At" o "Pagkatapos noon"

tagubilinan

Ang salitang ito ay maaaring isalin bilang "tinuturuan" o "inuutusan."

labingdalawa niyang alagad

Ito ay tumutukoy sa labingdalawang napiling apostol ni Jesus.

Ngayon

"Nang ganap na oras na iyon." Maaari din itong alisin.

nang marinig ni Juan mula sa bilangguan ang ang mga bagay tungkol

Maaaring isalin na: "Nang si Juan ay nasa bilangguan, kaniyang narinig ang patungkol" o "Nang sinabi ng isang tao kay Juan na nasa bilangguan ang patungkol"

nagpadala siya ng mensahe sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad

Inutusan ni Juan na Tagapagbautismo ang kaniyang sariling alagad na may mensahe para kay Jesus.

sinabi nito sa kaniya

Ang panghalip na "kaniya" ay tumutukoy kay Jesus.

Ikaw na nga ba Ang Darating

Kahit isalin na "Ang Darating" o "Ang inaasahan namin na darating," ito ay isang eupemismo para sa Mesyas o Cristo. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-euphemism)

na dapat naming hanapin

"dapat pa kaming umasa." Ang panghalip na "kami" ay tumutukoy sa lahat ng Judio hindi lamang sa mga alagad ni Juan.