tl_tn/mat/10/05.md

1.6 KiB

Nag-uugnay na Pahayag:

Dito nagsimulang magbigay si Jesus ng mga tagubilin sa kaniyang mga alagad tungkol sa kung ano ang dapat nilang gawin at aasahan kapag sila ay pumunta upang mangaral.

Pangkalahatang Impormasyon:

Bagaman sa bersikulo 5 nagsimula siya sa pamamagitan ng pagsasabi na isinugo niya ang labindalawa, ibinigay ni Jesus ang mga tagubilin na ito bago niya sila isinugo (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-events)

Ipinadala ni Jesus ang labindalawang ito

Maaaring isalin na: "Ipinadala ni Jesus itong labindalawang tao" o "Itong labindalawang tao ang siyang pinadala ni Jesus"

Ipinadala

Ipinadala ni Jesus ang mga ito para sa natatanging layunin. Ang "Ipinadala" ay ang literal na anyo sa pangngalang "mga apostol" na ginamit sa rc://tl/bible/notes/mat/10/01.

Tinagubilinan niya ang mga ito

Maaaring isalin na: "Sinabi niya sa mga ito kung ano ang kailangan nilang gawin" o "Inutusan niya ang mga ito"

nawawalang tupa sa bahay ng Israel

Ito ay isang talinghaga na naghahambing sa kabuuang bansa ng Israel sa isang tupa na nawala mula sa kanilang pastol. (UDB) (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-metaphor)

bahay ng Israel

Ang pagpapahayag na ito ay tumutukoy sa bayan ng Israel. Maaaring isalin na: "mga tao ng Israel" o "kaapu-apuhan ng Israel." (Tignan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy)

At sa pagpunta ninyo

Ang panghalip na "ninyo" ay tumutukoy sa labindalawang apostol. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-pronouns)

Ang kaharian ng langit ay nalalapit na

Kinakailangang isalin mo ito sa parehong paraan tulad ng pagsalin mo ng ideya sa rc://tl/bible/notes/mat/03/01.