tl_tn/mat/07/06.md

887 B

Pangkalahatang Kaalaman:

Nakikipag-usap si Jesus sa isang grupo ng mga tao tungkol sa kung ano ang maaaring mangyari sa kanilang mga tao.

mga aso...mga baboy

Ang mga hayop na ito ay itinuturing ng mga Judio na marumi at sinabihan ng Diyos ang mga Judio na huwag silang kakain ng mga ito. Ito ay mga talinghaga para sa mga masasamang tao na hindi nagpapahalaga sa mga banal na bagay. Mas magandang isalin ang mga salitang ito ng literal. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-metaphor)

mga perlas

Ito ay katulad ng mga bilog, mamahaling mga bato o mga kuwintas. Ang mga ito ay talinghaga sa karunungan ng Diyos o mamahaling bagay sa pangkalahatan. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-metaphor)

tatapak-tapakan lang nila

"tatapak-tapakan lang ng mga baboy"

babalikan at pagpipira-pirasuhin.

"at ang mga aso ay babalingan...ka at pipira-pirasuhin"