tl_tn/luk/13/34.md

1.9 KiB

Nag-uugnay na pahayag:

Tinapos ni Jesus ang pagtugon sa mga Pariseo. Ito ang huling bahagi ng kwento.

Jerusalem, Jerusalem

Nagsasalita si Jesus na waring ang mga tao sa Jerusalem ay nakikinig sa kaniya. Sinabi ito ni Jesus ng dalawang beses upang ipakita na nalulungkot siya para sa kanila. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-apostrophe)

na pumapatay ng mga propeta at bumabato sa mga naipadala sa iyo

Kung magiging kakaiba na tukuyin ang lungsod, maaari mo itong gawing malinaw na si Jesus ay talagang tumutugon sa mga tao na nasa-lungsod. "kayong mga tao na pumapatay sa mga propeta at bumabato sa mga naipadala ng Diyos para sa inyo" (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy at rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive)

tipunin ang iyong mga anak

"tipunin ang inyong mga tao" o "tipunin kayo"

tulad ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak

Ito ay naglalarawan kung paano iniingatan ng inahing manok ang mga sisiw nito sa masasama sa pamamagitan ng kaniyang mga pakpak. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-metaphor)

napabayaan ang iyong bahay

Ang mga maaaring kahulugan nito ay 1) "Pinabayaan na kayo ng Diyos" o 2) "Ang lungsod ninyo ay wala ng saysay." Ito ay nangangahulugan na hininto na ng Diyos ang proteksyson sa mga tao ng Jerusalem, kaya maaari ng sumugod ang mga kalaban at sila ay puwersahing paalisin. Ito ay propesiya sa kung ano ang mangyayari sa kanila sa hinaharap. Maaaring isalin na: "mapapabayaan na ang inyong bahay" o "pababayaan na kayo ng Diyos." (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-metaphor)

hindi mo ako makikita hanggang sasabihin mong

"hindi mo ako makikita hanggang dumating ang oras na sasabihin mong" o "sa susunod na makikita mo ako, sasabihin mong"

pangalan ng Panginoon

Dito ang "pangalan" ay tumutukoy sa lakas at kapangyarihan ng Panginoon. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy)