tl_tn/ezk/30/17.md

2.0 KiB

Heliopolis at Bubastis

Ito ay mga lungsod sa hilagang Egipto. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/translate-names)

babagsak sa pamamagitan ng espada

Ang salitang "espada" dito ay ginamit upang tumukoy sa isang labanan o digmaan. Maaaring isalin na: "mamamatay sa labanan" o "mamamatay sa digmaan." (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy)

kanilang mga lungsod ay mabibihag

"mabibihag ang mga tao sa kanilang mga lungsod" o "ang mga tao ay dadalhin bilang mga bilanggo."

Tafnes

Ito ay isang mahalagang lungsod sa hilagang Egipto.

hindi magliliwanag ang araw iyon

"ang araw ay didilim." Ipinapahiwatig nito na ito ay magiging katakut-takot na panahon. Maaaring isalin na: "Para bang walang liwanag sa araw na iyon" (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-metaphor)

kapag sinira ko ang ang pamatok ng Egipto

Ang salitang "pamatok" dito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng Egipto upang pahirapan ang mga tao. Maaaring isalin na: "kapag napigilan ko ang Egipto mula sa pagpapahirap sa mga tao" o "kapag winakasan ko ang kapangyarihan ng Egipto sa malupit na pamamahala sa ibang mga bansa."

ang kapalaluan ng kaniyang lakas ay magwawakas

"Hindi na kailanman magmamalaki ang Egipto sa pagiging malakas kailanman" o "Ang bansang iyon ay hindi na magmamtaas sa pagiging malakas" (UDB)

Magkakaroon ng isang ulap na lililim sa kaniya

Isang ulap ang kukubkob sa Egipto" o " Ito ay para bang magkakaroon ng ulap sa lahat ng dako ng Egipto." Ang mga maaaring kahulugan ay 1) Ang itim na ulap ay naglalarawan kung gaano kalungkot ang mararamdaman ng mga tao sa Egipto o 2) magkakaroon ng ulap ng alikabok sa buong Egipto mula sa lahat ng nasira.

kaniyang mga anak na babae

Ang mga maaaring kahulugan ay 1) ang mga tao sa mga bayan ng taga-Egipto o 2) ang mga anak na babae ng mga taga-Egipto

magsasagawa ako ng paghahatol sa Egipto

"Parurusahan ko ang Egipto sa maraming kaparaanan"

kaya... nila

"kaya ang mga taga-Egipto"

malalaman nila na ako si Yahweh

Tingnan kung paano ito isinalin sa rc://tl/bible/notes/ezk/06/06.