tl_tn/2co/04/11.md

1.6 KiB

Kaming mga nabubuhay

Tinutukoy ni Pablo ang lahat ng nananampalataya at ipinangangaral si Cristo at hindi pa napapatay.

nahaharap sa

"nanganganib sa"

ang buhay ni Jesus ay maihayag

Tinutukoy ng pariralang ito ang patuloy na buhay ni Jesus at kung ano ang ibig sabihin noon sa manunulat ng Hebreo at sa lahat ng mananampalataya na nanganganib na mamatay dahil sa kanilang pananampalataya kay Jesus bilang Panginoon. Maaaring isalin na: "ang paniwala namin na binuhay ni Jesus ang kaniyang sarili mula sa kamatayan at nangakong bibigyaan din tayo ng buhay na walang hanggan ay mapatunayan." (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-explicit)

aming mga katawang tao

Tulad ng rc://tl/bible/notes/2co/04/07, ang pariralang ito ay tumutukoy sa kung paano namumuhay ang mga tao o ang mga pagpapasyang ginagawa nila. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-synecdoche)

ang kamatayan ay kumikilos sa amin

Tinutukoy ni Pablo ang kamatayan na para bang ito ay nakakakilos. Ang ibig sabihin nito ay ang mga taong binabantaan ng kamatayan ay maaaring magkaroon ng positibong epekto sa iba. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-personification)

ang buhay ay kumikilos sa inyo.

Tinutukoy ni Pablo ang buhay na para bang ito ay nakagagawa. Ang ibig sabihin nito ay ang kaalaman tungkol sa buhay na walang hanggan ay nagkakaroon ng positibong epekto sa mga buhay ng mga mananampalatayang Judio. (Tingnan sa: rc://tl/ta/man/translate/figs-personification)

rc://tl/bible/questions/comprehension/2co/04

rc://tl/bible/questions/comprehension/2co/04