tl_tn/phm/01/17.md

1.5 KiB

Kung ako ay tinuturing mong katuwang

"kung ako ay tinuturing mong isang kamanggagawa para kay Cristo"

sa akin mo iyon singillin

AT: "singilin ito sa akin" o "sabihin na ako ay siyang may utang sa iyo."

Ako, si Pablo, sinulat ito sa pamamagitan ng aking sariling kamay

Sinulat ni Pablo ito upang malaman ni Filemon na ang mga salita ay totoo; talagang babayaran siya ni Pablo. AT: "Ako, si Pablo, ang mismong nagsulat nito."

hindi ko binabanggit sa iyo

"Hindi ko kailangang ipaalala sa iyo" AT: "Alam mo" (Tignan: rc://tl/ta/man/translate/figs-litotes)

utang mo sa akin ang iyong buhay

"utang mo sa akin ang sarili mong buhay." Ang dahilan na utang ni Filemon kay Pablo ang kanyang buhay ay maaring gawing maliwanag: "marami kang utang sa akin dahil niligtas ko ang iyong buhay" o " utang mo sa akin ang sarili mong buhay dahil kung ano ang sinabi ko ay nagligtas sa iyong buhay". Pinapahiwatig ni Pablo na si Filemon ay hindi maaring magsabi na si Onesimo o si Pablo ay may pagkakautang sa kaniya ng kahit anuman dahil si Onesimo ay mas maraming pang pagkakautang kay Pablo. (Tingnan: rc://tl/ta/man/translate/figs-explicit)

pasiglahin ang aking puso

Kung paanong gusto ni Pablo gawin ito ni Onesimo ay maaring gawing malinaw: "pasiglahin mo ang aking puso sa pagtanggap mo ng mabuti kay Onesimo." AT: "pasayahin ang aking puso" o "pasayahin ako" o "paginhawain mo ako."

rc://tl/bible/questions/comprehension/phm/01

rc://tl/bible/questions/comprehension/phm/01