tl_tn/phm/01/01.md

1.9 KiB

rc://tl/bible/questions/comprehension/phm/01

rc://tl/bible/questions/comprehension/phm/01

Si Pablo, isang bilanggo kay Jesu-Cristo, at kapatid na Timoteo, kay Filemon

Ang inyong wika ay maaring may natatanging paraan ng pagpapakilala sa mga may-akda ng liham. AT: "Kami, si Pablo, isang bilanggo kay Jesu-Cristo, at si Timoteo, ating kapatid, sinusulat ang liham na ito para kay Filemon."

isang bilanggo kay Jesu-Cristo

"na nasa bilangguan dahil sa pagtuturo tungkol kay Jesu-Cristo." Mga tao na hindi nais si Jesus ay pinarusahan si Pablo sa pamamagitan ng paglalagay sa kanya sa bilangguan.

kapatid

Dito ang ibig sabihin ay isang kapwa Kristiyano.

aming minamahal na kaibigan

"aming minamahal na kapwa mananampalataya" o "aming kapatid sa espiritu na mahal namin"

at kamanggagawa

"na tulad namin, gumagawa para ipalaganap ang ebanghelyo"

Apia aming kapatid na babae

Ang kahulugan nito ay "Apia aming kapwa mananampalataya" o " Apia aming kapatid na babae sa espiritu" (Tingnan: (( rc://tl/ta/man/translate/translate-names)

Arquipo

Ito ay pangalan ng isang lalaki.

kapwa kawal

Dito ang "kawal" ay isang metapora na naglalarawan ng isang tao na nagsusumikap para ipalaganap ang Ebanghelyo AT: " aming kapwa espiritwal na mandirigma" o "siyang nakikipaglaban din sa mga espiritwal na labanan kasama namin" (Tingnan: rc://tl/ta/man/translate/figs-metaphor)

mga mananampalataya na nagtitipon sa iyong tahanan

"ang pangkat ng mga mananampalataya na nagtitipon sa inyong tahanan" (UDB)

iyong tahanan

Ang salitang "iyong" ay isahan at tinutukoy si Filemon.

Biyaya sa inyo at kapayapaan mula sa Diyos ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo

"Nawa ang Diyos ating Ama at ang Panginoong Jesu-Cristo bigyan kayo ng biyaya at kapayapaan." Ito ay isang pagpapala. Ang salitang "kayo" ay pangmaramihan at tumutukoy sa lahat ng mga taong binati ni Pablo sa talatang 1 at 2.