tl_tn/jud/01/12.md

1.9 KiB

rc://tl/bible/questions/comprehension/jud/01)

rc://tl/bible/questions/comprehension/jud/01}

Ang mga ito

"Ang mga ito" ay tumutukoy sa mga hindi makadiyos na tao.

puno sa taglagas na walang bunga

Katulad ng ilang puno na hindi namumunga t matapos ang tag-init, kaya ang mga hindi maka-diyos na tao ay walang pananampalataya at mga gawang matuwid (Tingnan: rc://tl/ta/man/translate/figs-metaphor)

walang bunga, dalawang beses namatay

Katulad ng mga puno na namatay ng dalawang ulit gaya ng hindi namumunga sa tag-niyebe, kaya ang mga hindi makadiyos na tao ay walang kabutihan at walang buhay sa kanila. (Tingnan: rc://tl/ta/man/translate/figs-metaphor)

binuot sa ugat

katulad ng mga puno na lubosang nabunot ang kanilang mga ugat mula sa lupa, ang hindi makadiyos na tao ay nahiwalay mula sa Diyos na siyang pinagmulan ng buhay. (Tingnan: rc://tl/ta/man/translate/figs-metaphor)

marahas na mga alon ng dagat

Gaya ng mga alon ng dagat na tinangay ng malakas na hangin, gayundin ang hindi maka-diyos na tao ay walang pundasyon ng pananampalataya at madaling matangay sa maraming direksyon. (Tingnan: rc://tl/ta/man/translate/figs-metaphor)

bumubulang palabas sa kanilang sariling kahihiyan

Gaya ng hanging sanhi ng malalakas na mga alon para halukayin ang maruruming bula, gayun din ang mga taong ito sa pamamagitan ng kanilang maling katuruan at mga gawa ay ipinahihiya ang kanilang mga sarili. Maaaring isalin na: "katulad lang ng mga alon na naghalukay ng bula at dumi, ang mga taong ito ay dinudungisan ang mga ibang tao sa pamamagitan ng kanilang kahihiyan." (Tingnan: rc://tl/ta/man/translate/figs-metaphor)

gumagala na mga tala--na sa kaitiman ng kadiliman ay nakalaan ang magpakailanman

Katulad lang ng mga bituin na kumikilos sa buong kalangitan na mahirap sundan, kaya hindi ninyo dapat sundan ang mga taong ito. (Tingnan: rc://tl/ta/man/translate/figs-metaphor)