tl_tn/2jn/01/01.md

1.5 KiB

sa nakatatanda

Ito ay tumutukoy kay Juan, ang apostol at alagad ni Jesus. Tinutukoy niya ang kanyang sarili bilang "nakatatanda" alinman dahil sa kaniyang matandang edad o dahil siya ay isang pinuno sa iglesia.

Sa nakatatanda hanggang sa piniling babae at sa kanyang mga anak

Ganito sinisimulan ang mga sulat sa Griyego. Ang pangalan ng may-akda ay maaaring gawing malinaw. Maaaring isalin na: "Ako, ang nakatatandang si Juan, ang sumusulat ng liham na ito sa piniling babae at sa kanyang mga anak

sa piniling babae at sa kanyang mga anak

Ito marahil ay tumutukoy sa isang kongregasyon at sa mga mananampalataya na napapabilang dito.

siyang minamahal ko sa katotohanan

Maaaring isalin na: "siyang tunay kong mahal"

dahil sa katotohanan na nananatili sa atin at mapapasaatin magpakailanman

Maaaring isalin na: "dahil tayo ay patuloy na naniniwala sa katotohanan at magpapatuloy na maniwala dito magpakailanman"

ang katotohanan

Ito ay tumutukoy sa katotohanan ng katuruan ni Jesus.

Ama...Anak

Ang mga ito ay mga mahalagang titulo na inilalarawan ang kaugnayan sa pagitan ng Diyos at Jesus. (Tingnan: rc://tl/ta/man/translate/guidelines-sonofgodprinciples)

sa katotohanan at pag-ibig

Maaaring isalin na: "dahil sila ay totoo at iniibig nila tayo" o "dahil sila ay nagmamahal sa atin nang tunay" (Tingnan: rc://tl/ta/man/translate/figs-hendiadys)

rc://tl/bible/questions/comprehension/2jn/01

rc://tl/bible/questions/comprehension/2jn/01