tl_rev_text_ulb/21/18.txt

1 line
483 B
Plaintext

\v 18 Ang pader ay itinayo sa jaspe, at ang lungsod sa purong ginto, tulad ng malinaw na salamin. \v 19 Ang pundasyon ng pader ay pinaganda ng iba't ibang uri ng mamahaling bato. Ang una ay jaspe, ang ikalawa ay safiro, ang ikatlo ay agate, ang ikaapat ay esmeralda, \v 20 ang ikalima ay oniks, ang ikaanim ay kornalina, ang ikapito ay krisolito, ang ikawalo ay berilo, ang ikasiyam topaz, ang ikasampu ay krisopraso, ang ikalabing-isa ay jacinto, at ang ikalabingdalawa ay amatista.