tl_rev_text_ulb/19/17.txt

1 line
490 B
Plaintext

\v 17 Nakita ko ang isang anghel na nakatayo sa araw. Tinawag niya nang may malakas na tinig ang lahat na mga ibong lumilipad sa ibabaw ng kaniyang ulo. "Halikayo sama-samang magtipon para sa dakilang hapunan ng Diyos. \v 18 Halikayo kainin ang laman ng mga hari, ang laman ng pinuno ng hukbo, ang laman ng mga magigiting na lalaki, ang laman ng mga kabayo at kanilang mga mangangabayo, at ang laman ng lahat ng mga tao, kapwa malaya at alipin, ang hindi mahahalaga at ang makapangyarihan."