tl_rev_text_ulb/18/15.txt

1 line
589 B
Plaintext

\v 15 Ang mga mangangalakal ng mga bilihing ito na naging mayaman sa pamamagitan niya ay tatayong malayo mula sa kaniya sa kalayuan dahil sa takot ng kaniyang paghihirap, pagtatangis at malakas na pagpipighati. \v 16 Sasabihin nila, "Kaawa-awa, kaawa-awa sa dakilang lungsod na nadadamitan ng pinong lino, ng lila at telang pula at pagpapaganda ng ginto, mamahaling hiyas at mga perlas!" \v 17 Sa loob ng isang oras ang lahat ng kayamanan ay nasayang. Ang bawat kapitan ng barko, bawat mandaragat, mga manlalayag, at silang lahat na ang nabubuhay ay mula sa dagat, ay nakatayo sa kalayuan.