tl_rev_text_ulb/17/12.txt

1 line
502 B
Plaintext

\v 12 Ang sampung sungay na nakita mo ay sampung hari na hindi pa nakakatanggap ng kaharian, pero sila ay makakatanggap ng pamumuno bilang mga hari sa isang oras kasama ang halimaw. \v 13 Ang mga ito ay nagkakaisa sa isip, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa halimaw. \v 14 Makikipag-digma sila laban sa Kordero. Pero lulupigin sila ng Kordero dahil siya ay Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari -- at kasama niya ang mga tinawag, ang mga pinili, ang mga matapat."