tl_rev_text_ulb/17/03.txt

1 line
651 B
Plaintext

\v 3 Dinala ako ng anghel sa Espiritu sa isang ilang, at nakita ko ang babaeng nakaupo sa pulang halimaw na puno ng paglalapastangan sa mga pangalan. Ang halimaw ay may pitong ulo at sampung sungay. \v 4 Nakasuot ng kulay lila at matingkad na pulang damit at pinaganda ng ginto, mamahaling mga bato, at mga perlas. Sa kaniyang kamay hawak niya ang gintong baso na puno ng kasuklam-suklam na mga bagay at ang mga karumihan ng kaniyang sekswal na imoralidad. \v 5 Sa kaniyang noo nakasulat ang isang pangalan na mayroong lihim na kahulugan: "ANG DAKILANG BABYLONIA, ANG INA NG LAHAT NG MGA MASASAMANG BABAE AT NANG KASUKLAM-SUKLAM NA MGA BAGAY SA LUPA."