tl_rev_text_ulb/16/17.txt

1 line
681 B
Plaintext

\v 17 Ang ika-pitong anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa hangin. At may isang malakas na tinig na nanggaling sa dakong kabanal-banalan at mula sa trono, sinasabing, "Ito ay tapos na!" \v 18 May mga kislap ng kidlat, mga dagundong, mga salpukan ng kulog, at isang nakakatakot na lindol -- isang lindol na mas malakas pa kaysa sa kahit anong nangyari simula pa noong manirahan ang mga tao sa mundo, lubhang napakalakas ng lindol na ito. \v 19 Ang tanyag na lungsod ay nahati sa tatlong bahagi, at ang mga lungsod ng mga bansa ay gumuho. Pagkatapos naalala ng Diyos ang tanyag na Babyblonia, at binigyan ang lungsod ng kopa na puno ng alak gawa mula sa kaniyang matinding poot.