tl_rev_text_ulb/16/12.txt

1 line
550 B
Plaintext

\v 12 Ang ika-anim na anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa malaking ilog, ang Eufrates, at ang tubig nito ay natuyo para maihanda ang daan para sa mga hari na nanggagaling sa silangan. \v 13 Nakita ko ang tatlong maruruming mga espiritu na tulad ng mga palaka na lumalabas mula sa bibig ng dragon, ng halimaw, at ng bulaang propeta. \v 14 Dahil sila ay mga espiritu ng demonyo na gumagawa ng mga kamangha-manghang tanda. Pupunta sila para tipunin ang mga hari ng buong mundo para sa digmaan sa dakilang araw ng Diyos, siya na namumuno sa lahat.