tl_rev_text_ulb/14/14.txt

1 line
537 B
Plaintext

\v 14 Tumingin ako at nakita ko doon ang isang puting ulap, at nakaupo sa ulap ang katulad ng isang Anak ng Tao. Mayroon siyang gintong korona sa kaniyang ulo at matalim na karit sa kaniyang kamay. \v 15 Pagkatapos isa pang anghel ang lumabas sa templo at tumawag ng malakas sa siyang nakaupo sa ulap: "Kunin mo ang iyong karit at simulan ang pag-ani. Dahil dumating na ang panahon ng anihan, dahil ang mga aanihin sa lupa ay hinog na. \v 16 Pagkatapos ibinitin ng siyang nakaupo sa ulap ang kaniyang karit sa lupa, at ang lupa ay inani.