tl_rev_text_ulb/14/06.txt

1 line
436 B
Plaintext

\v 6 Nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa alapaap, na may walang hanggang mensahe ng magandang balita para ipahayag sa mga naninirahan sa mundo -- sa bawat bansa, tribo, wika, at mga tao. \v 7 Tumawag siya nang may malakas na tinig, "Matakot sa Diyos at bigyan siya ng kaluwalhatian. Dahil sa oras ng kaniyang paghuhukom ay dumating na. Sambahin siya, siya na lumikha ng langit, ng lupa, ng dagat, at ng mga bukal ng mga tubig.