tl_rev_text_ulb/14/03.txt

1 line
582 B
Plaintext

\v 3 Umawit sila ng isang bagong awit sa harapan ng trono at sa harap ng apat na buhay na nilalang at sa mga nakatatanda. Walang sinuman ang nakakaalam ng awit maliban sa 144, 000 na tinubos mula sa mundo. \v 4 Sila ang mga hindi dinungisan ang kanilang mga sarili sa mga babae, dahil pinanatili nila ang kanilang sarili sa pagdalisay ng sekswal. Sila ang mga sumusunod sa Kordero saan man siya pumupunta. Sila ang tinubos mula sa sangkatauhan bilang mga unang bunga sa Diyos at sa Kordero. \v 5 Walang kasinungalingan ang natagpuan sa kanilang mga bibig; sila ay walang kapintasan.