Wed Jun 02 2021 22:09:27 GMT+0800 (PST)

This commit is contained in:
Rene Aril 2021-06-02 22:09:27 +08:00
commit bcc2d26f7d
193 changed files with 221 additions and 0 deletions

1
01/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Ito ang kapahayagan ni Jesu-Cristo na ibinigay sa kaniya ng Diyos para ipakita sa kaniyang mga lingkod ang mga bagay na malapit nang maganap. Ipinaalam niya ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaniyang anghel sa kaniyang lingkod na si Juan. \v 2 Pinatotohanan ni Juan ang lahat ng kaniyang nakita tungkol sa salita ng Diyos at sa patotoong ibinigay tungkol kay Jesu-Cristo. \v 3 Pinagpala ang bumabasa ng malakas-- at ang lahat ng nakikinig --sa mga salita ng propesiyang ito at sumunod sa nakasulat dito, dahil ang panahon ay malapit na.

1
01/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Si Juan,  para sa pitong iglesia sa Asya:  Sumainyo ang biyaya at kapayapaan mula sa kaniya na siya,  at siyang noon,  at siyang darating,  at mula sa pitong espiritu na nasa harap ng kaniyang trono, \v 5 at mula kay Jesu-Cristo, siyang matapat na saksi, ang panganay sa mga patay, at ang tagapamahala ng mga hari sa mundo. Sa kaniya na umiibig sa atin, at nagpalaya sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, \v 6 ginawa niya tayong isang kaharian, mga pari sa Diyos at kaniyang Ama--sa kaniya ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan magpakailan pa man. Amen.

1
01/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Tingnan mo, siya ay dumarating kasama ng mga ulap; bawat mata ay makikita siya, maging ang mga taong pumako sa kaniya. At ang lahat ng lipi sa lupa ay magluluksa para sa kaniya. Oo, Amen. \v 8 "Ako ang Alpa at ang Omega, sabi ng Panginoong Diyos, "ang isa na, at siyang noon, at siya na darating, ang Makapangyarihan."

1
01/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Ako, si Juan--inyong kapatid at ang isang nakikibahagi sa inyo sa paghihirap at kaharian at matiyagang pagtitiis iyon ay si Jesus--ay nasa isla na tinatawag na Patmos dahil sa salita ng Diyos at patotoo tungkol kay Jesus. \v 10 Ako ay nasa Espiritu sa araw ng Panginoon. Narinig ko ang isang malakas tulad ng isang trumpeta sa aking likuran. \v 11 Ito ay sinabi: "Isulat mo sa isang aklat ang iyong nakita at ipadala ito sa pitong mga iglesia--sa Efeso, sa Smirna, sa Pergamo, sa Tiatira, sa Sardis, sa Filadelfia at sa Laodicea."

1
01/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Lumingon ako para makita kung kanino ang tinig na kumakausap sa akin, sa aking paglingon, nakita ko ang pitong gintong ilawan. \v 13 Sa gitna ng mga ilawan ay mayroong isang katulad ng Anak ng Tao, suot ang isang mahabang balabal na abot pababa sa kaniyang mga paa, at isang gintong sinturon na nakapalibot sa kaniyang dibdib.

1
01/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Ang kaniyang ulo at buhok ay kasing-puti ng lana, kasing-puti ng niyebe, at ang kaniyang mga mata ay tulad ng ningas ng apoy. \v 15 Ang kaniyang mga paa ay tulad ng pinakintab na tanso, tulad ng tanso na pinino sa isang pugon, at ang kaniyang tinig ay tulad ng tunog ng maraming umaagos na tubig. \v 16 Sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin at lumalabas mula sa kaniyang bibig ang isang matalas na magkabilang talim na espada. Ang kaniyang mukha ay nagniningning tulad ng matinding sikat ng araw.

1
01/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Nang makita ko siya, ako ay bumagsak sa kaniyang paanan tulad ng isang lalaking patay. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa akin at sinabi, "Huwag kang matakot. Ako ang Una at ang Huli, \v 18 at ang isa na nabubuhay. Ako ay namatay, pero tingnan mo, ako ay buhay magpakailanman! At nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng hades.

1
01/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Kaya isulat mo ang lahat ng iyong nakita, ano ang ngayon, at ang magaganap pagkatapos nito. \v 20 Patungkol sa nakatagong kahulugan tungkol sa pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ang pitong mga gintong ilawan: ang pitong bituin ay ang mga angel ng pitong iglesia, at ang pitong ilawan ay ang pitong mga iglesia."

1
02/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Sa anghel ng iglesia sa Efeso isulat: 'Ito ang mga salita ng isang may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay.' Ang isa na siyang lumakad sa gitna ng pitong mga gintong ilawan sinasabi ito, \v 2 "Alam ko ang inyong ginawa at ang inyong mahirap na trabaho at ang inyong matiyagang pagtitiis, at hindi ninyo matiis ang mga kasaman at inyong sinubok ang mga umaangkin na sila ay mga apostol, pero hindi, at nakita ninyo na sila ay hindi totoo.

1
02/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Alam ko na mayroon kayong matiyagang pagtitiis, at marami na kayong pinagdaanan dahil sa aking pangalan, at hindi kayo lumagong pagod. \v 4 Pero ito ang ayaw ko laban sa inyo--iniwan ninyo ang inyong unang pag-ibig. \v 5 Kaya tandaan ninyo kung saan kayo nahulog. Magsisi kayo at gawin ninyo ang mga bagay na ginawa ninyo sa una. Malibang kayo ay magsisi, Ako ay darating sa iyo at aalisin ko ang ilawan mula sa kinalalagyan nito.

1
02/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Pero kayo ay mayroon nito--kinapopootan ninyo ang mga ginawa ng mga Nicolaita, na kinapopootan ko rin. \v 7 Kung mayroon kayong tainga, makinig kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Sa isang na siyang nakalupig pahihintulutan ko na kumain mula sa puno ng buhay, na nasa paraiso ng Diyos.'

1
02/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Sa anghel ng iglesia ng Smirna isulat: 'Ito ang mga salita ng isa na siyang una at ang huli--siyang namatay at siyang muling nabuhay:' \v 9 "Alam ko ang inyong mga pagdurusa at inyong kahirapan (pero kayo ay mayaman), at ang paninirang-puri ng mga nagsasabing sila ay mga Judio (pero sila ay hindi--sila ay isang sinagoga ni Satanas).

1
02/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Huwag katakutan ang tungkol sa pagdurusahan ninyo. Tingnan mo! Ihahagis ng diyablo ang ilan sa inyo sa kulungan para kayo ay subukin, at magdurusa kayo ng sampung araw. Maging tapat kayo hanggang kamatayan, at ibibigay ko sa inyo ang korona ng buhay. \v 11 Kung kayo ay may tainga, makinig kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang isa na siyang nakalupig ay hindi masasaktan sa pamamagitan ng ikalawang kamatayan.

1
02/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Sa anghel ng iglesia ng Pergamo isulat: 'Ito ang mga salita ng isa na siyang may matalas na may magkabilang talim na espada:' \v 13 "Alam ko kung saan kayo nakatira -- kung nasaan ang trono ni Satanas. Gayon man mahigpit ninyong pinanghahawakan ang aking pangalan at hindi ninyo itinanggi ang inyong pananampalataya sa akin, kahit sa mga araw ni Antipas na aking saksi, aking matapat, na pinatay sa inyong kalagitnaan, doon nakatira si Satanas.

1
02/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Pero mayroon akong mga ilang bagay na laban sa inyo: Mayroon ilan sa inyo na mahigpit na pinanghahawakan ang katuruan ni Balaam, na nagturo kay Balak para ihagis ang isang hadlang sa harap ng mga anak ni Israel, sa gayon makakakain sila ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan at maging sekswal na imoralidad. \v 15 Sa parehong paraan, may ilan din sa inyo na siyang mahigpit na pinanghahawakan ang katuruan ng mga Nicolaita.

1
02/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Kaya magsisi kayo! Kung hindi, darating ako sa inyo nang hindi magtatagal, at ako ay gagawa ng digmaan laban sa kanila gamit ang espada na lumalabas sa aking bibig. \v 17 Kung mayroon kayong tainga, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Sa isa na siyang nakalupig, ibibigay ko ang ilang nakatagong manna, at ibibigay ko ang isang puting bato na may isang bagong pangalan na nakasulat sa bato, isang pangalan na walang kahit isang nakakaalam kundi ang isa na siyang tumanggap nito.

1
02/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Sa anghel ng iglesia ng Tiatira isulat: 'Ito ang mga salita ng Anak ng Diyos, na may mga mata na katulad ng ningas ng apoy at mga paa na gaya ng pinakintab na tanso:' \v 19 "Alam ko ang inyong mga ginawa -- ang inyong pag-ibig, at panananampalataya, at paglilingkod, at ang inyong matiyagang pagtitiis at ang inyong mga ginawa kamakailan ay higit pa kaysa mga ginawa ninyo sa una.

1
02/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Pero mayroon akong laban sa inyo: pinahihintulutan ninyo ang babaeng si Jezebel, na tinatawag ang sarili niyang isang propeta. Sa pamamagitan ng kaniyang katuruan ay nililinlang niya ang aking mga lingkod na gumawa ng mga sekswal na imoralidad at kumain ng mga pagkaing inialay sa mga diyus-diyosan. \v 21 Binigyan ko siya ng oras para magsisi pero hindi maluwag sa kaniyang kalooban na magsisi sa kaniyang imoralidad.

1
02/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Bantayan ninyo! Ihahagis ko siya sa isang banig ng karamdaman, at ang mga gumawa ng pangangalunya kasama niya sa matinding pagdurusa, malibang sila ay magsisi sa anumang ginawa niya. \v 23 Hahampasin ko ang kaniyang mga anak hanggang mamatay, at ang lahat ng mga iglesia ay malalaman na ako ang siyang sumisiyasat sa mga kaisipan at mga nasain. Ibibigay ko sa bawat isa sa inyo ayon sa inyong ginawa.

1
02/24.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 24 Pero sa iba sa inyo sa Tiatira, sa lahat ng hindi pinanghahawakan ang katuruang ito, at hindi alam ang tinatawag ng iba na malalalim na mga bagay ni Satanas -- sinasabi ko sa inyo, "hindi ko inilagay sa inyo ang anumang ibang pasanin.' \v 25 Sa anumang kalagayan, dapat kayong humawak nang mahigpit hanggang ako ay dumating.

1
02/26.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 26 Ang isa na siyang nakalupig at siyang gumagawa ng mga ginawa ko hanggang sa huli, sa kaniya ko ibibigay ang kapangyarihan sa ibabaw ng mga bansa. \v 27 Siya ay mamumuno sa kanila gamit ang tungkod na bakal, sila ay dudurugin niya gaya ng mga palayok.' \v 28 Gaya ng aking tinanggap mula sa aking Ama, ibibigay ko rin sa kaniya ang bituin sa umaga. \v 29 Kung mayroon kang tainga, makinig sa sinasabi ng Espirito sa mga iglesia.

1
03/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 "Sa anghel ng iglesya ng Sardis isulat: 'Ang mga salita ng isa na siyang hawak ang pitong mga espiritu ng Diyos at ng pitong mga bituin. "'Alam ko ang inyong ginawa. Mayroon kayong isang dangal na kayo ay buhay, pero kayo ay patay. \v 2 Gumising at palakasin ninyo ang natitira, pero malapit ng mamatay, dahil hindi ko natagpuan ang inyong mga gawa na ganap sa paningin ng Diyos.

1
03/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Kaya tandaan, kung ano ang inyong tinanggap at narinig. Sundin ito, at magsisi. Pero kung hindi kayo gigising, darating ako na parang isang magnanakaw, at hindi ninyo malalaman kung anong oras ako darating laban sa inyo. \v 4 Pero may ilang mga pangalan ng mga tao sa Sardis na hindi dinumihan ang kanilang mga damit. Lalakad silang kasama ko, nakadamit ng puti, dahil sila ay karapat-dapat.

1
03/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Ang isa na siyang nakalupig ay susuotan ng puting damit, at hindi ko kailanman buburahin ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at sasabihin ko ang kaniyang pangalan sa harap ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel. \v 6 Kung mayroon kayong tainga, pakinggan kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.

1
03/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 "Sa anghel ng iglesya ng Filadelfia isulat: Ang mga salita ng isa na siyang banal at tunay -- hawak niya ang susi ni David, binubuksan niya at walang isang makapagsasara, sinasara niya at walang sinuman ang maaaring magbukas. \v 8 Alam ko ang inyong ginawa. Tingnan ninyo, Inilagay ko sa inyong harap ang isang pintuang bukas na walang sinuman ang maaaring ikulong. Alam kong mayroon kayong kaunting kalakasan, gayunman sinunod ninyo ang aking salita at hindi itinanggi ang aking pangalan.

1
03/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Bantayan ninyo! Sila na siyang nabibilang sa sinagoga ni Satanas, sila na siyang nagsabing na sila ay mga Judio pero hindi, -- sa halip sila ay nagsisinungaling. Palalapitin ko sila at payuyukuin ko sa harap ng inyong mga paa, at malalaman nila na minahal ko kayo. \v 10 Yamang pinanatili ninyo ang aking utos na matiyagang pagtitiis. Iingatan ko rin kayo mula sa oras ng pagsubok na darating sa buong mundo, para subukin sila na siyang nakatira sa mundo. \v 11 Ako ay malapit nang dumating. Mahigpit na panghawakan kung anong mayroon kayo kaya walang sinuman ang maaaring mag-alis ng inyong korona.

1
03/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Gagawin kong isang haligi sa templo ng aking Diyos ang isa na siyang nakalupig, at hindi na siya kailanman lalabas dito. Isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Diyos, ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos (ang bagong Jerusalem, na bumababa sa langit mula sa aking Diyos), at ang aking bagong pangalan. \v 13 Ang isa na siyang may tainga, hayaan siyang makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.

1
03/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Sa anghel ng iglesya sa Laodicea isulat: 'Ang mga salita ng Amen, ang maaasahan at totoong saksi, ang tagapamahala sa nilikha ng Diyos. \v 15 Alam ko kung ano ang inyong ginawa, at kayo na sinumang malamig o mainit. Nais ko na kayo ay maging malamig ni mainit! \v 16 Kaya, dahil kayo ay maligamgam -- ni mainit o malamig -- malapit ko na kayong isuka buhat sa aking bibig.

1
03/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Dahil sinabi mo, "Mayaman ako, marami akong materyal na pag-aari, at wala akong pangangailangan." Pero hindi mo alam na ikaw ang pinakamalungkot, kaawa-awa, dukha, bulag at hubad. \v 18 Pakinggan ang aking payo: Bumili ka mula sa akin ng gintong pinino sa pamamagitan ng apoy kaya maaari kang maging mayaman, at makinang na mga puting damit kaya maaari mong damitan ang iyong sarili at hindi makikita ang kahihiyan ng iyong kahubaran, at papanatag para pahiran ang iyong mga mata kaya maaari kang makakita.

1
03/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Bawat isa na mahal ko ay sinasanay ko at tinuturuan sila paano dapat mamuhay. Kaya, maging masigasig at magsisi. \v 20 Tingnan ninyo, ako ay nakatayo sa may pinto at kumakatok. Kung sinuman ang nakaririnig sa aking tinig at nagbubukas ng pinto, papasok ako sa kaniyang tahanan at kakain kasama niya, at siya sa akin.

1
03/21.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 21 Ang isa na siyang nakalupig, bibigyan ko ng karapatang umupo kasama ko sa aking trono, gaya nang ako ay nakalupig at umupo kasama ng aking Ama sa kaniang trono. \v 22 Kung mayroon kang tainga, makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.

1
04/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Pagkatapos makita ko ang mga bagay na ito at nakita ko na may isang pintuang bumukas sa langit. Ang unang tinig, ay nangungusap sa akin gaya ng isang trumpeta, sinabi, "Umakyat ka dito at ipapakita ko sa iyo kung anong dapat mangyari pagkatapos ng lahat ng mga bagay na ito. \v 2 Agad akong nasa Espiritu, at nakita ko ang isang trono na inilagay sa langit, na may isang tao na nakaupo dito. \v 3 Ang isa na siyang nakaupo dito ay parang batong jaspe at kornalina. May isang bahaghari sa palibot ng trono. Ang bahaghari ay katulad ng isang esmeralda.

1
04/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Sa paligid ng trono ay may dalawampu't apat na mga trono, at nakaupo sa mga trono ay ang dalawampu't apat na mga nakatatanda, bihis ng mga puting damit, may gintong mga korona sa kanilang mga ulo. \v 5 Mula sa trono dumating ang bulos ng kidlat, mga dagundong at mga lagapak ng kulog. Nag aapoy ang pitong ilawan sa harapan ng trono, mga ilawan ng pitong espiritu ng Diyos.

1
04/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Sa harapan din ng trono ay mayroon isang dagat, kasing linaw ng kristal. Lahat ng palibot ng trono ay may apat na buhay na mga nilalang, puno ng mga mata sa harapan at likod.

1
04/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Ang unang buhay na nilalang ay katulad ng isang leon, ang ikalawang buhay na nilalang ay katulad ng isang guya, ang ikatlong buhay na nilalang ay may isang mukha ng isang tao at ang ikaapat na buhay na nilalang ay katulad ng isang lumilipad na agila. \v 8 Ang bawat isa sa apat na buhay na mga nilalang ay mayroong anim na mga pakpak, puno ng mga mata sa tuktok at sa ilalim. Gabi at araw hindi sila tumigil sa pagsasabing, "Banal, banal, banal, ang Panginoong Diyos, ang namumuno sa lahat, siyang noon, at siyang ngayon, at siyang darating.

1
04/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Kapag ang buhay na mga nilalang ay nagbigay ng kaluwalhatian, karangalan at pasasalamat sa isa na siyang nakaupo sa trono, sa isa na siyang nabubuhay magpakailan pa man, \v 10 ang dalawampu't apat na nakatatanda ay nagpatirapa sa harap ng isang nakaupo sa trono. Yumuko sila sa isang nabubuhay ng walang hanggan at magpakailan pa man, at inihagis nila ang kanilang mga korona sa harap ng trono, sinasabing, \v 11 "Karapat-dapat ka, aming Panginoon at aming Diyos, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng karangalan at ng kapangyarihan. Dahil nilikha mo ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan ng iyong kalooban, sila ay nabuhay at nilikha.

1
05/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Pagkatapos nakita ko sa kanang kamay ng isa na siyang nakaupo sa trono, isang balumbon na nakasulat sa harapang panig at sa likurang panig, at sinelyuhan ng pitong selyo. \v 2 Nakita ko ang isang makapangyarihang anghel na naghahayag ng may malakas ng tinig, "Sino ang karapat-dapat magbukas ng balumbon at sirain ang mga selyo nito?"

1
05/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Walang sinuman sa langit o sa lupa o sa ilalim ng lupa ang kayang buksan ang balumbon o basahin ito. \v 4 Maramdamin akong umiyak dahil walang sinuman ang nakatagpo na karapat-dapat para buksan ang balumbon o basahin ito. \v 5 Pero sinabi sa akin ng isa sa mga nakatatanda, "Huwag kang umiyak. Tingnan mo! Ang Leon sa lipi ng Juda, ang Ugat ni David, ay nalupig, at kaya niyang buksan ang balumbon at ang mga selyo nito."

1
05/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Sa pagitan ng trono at ng apat na buhay na mga nilalang at sa kalagitnaan ng mga nakatatanda, nakita ko ang isang Kordero na nakatayo, nagmamasid na kahit siya ay pinatay. Mayroon siyang pitong mga sungay at pitong mga mata -- ito ay ang pitong espiritu ng Diyos na ipinadala sa lahat ng dako ng lupa. \v 7 Pumunta siya at kinuha ang balumbon mula sa kanang kamay ng isa na siyang nakaupo sa trono.

1
05/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Nang nakuha niya ang balumbon, ang apat na buhay na nilalang at ang dalawampu't apat na nakatatanda ay inihiga ang kanilang mga sarili sa lupa sa harap ng Kordero. Ang bawat isa sa kanila ay may isang alpa at isang gintong mangkok na puno ng insenso -- kung saan ang mga panalangin ng mga mananampalataya.

1
05/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Umawit sila ng bagong awit: "Ikaw ay karapat-dapat kumuha ng balumbon at buksan ang mga selyo nito. Dahil ikaw ay pinatay at sa pamamagitan ng iyong dugo, binili mo ang mga tao para sa Diyos mula sa bawat lipi, wika, mga tao, at bansa. \v 10 Ginawa mo silang isang kaharian at mga pari para maglingkod sa ating Diyos at sila ay maghahari sa mundo.

1
05/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Pagkatapos nakita ko at narinig ang tunog ng maraming mga anghel sa palibot ng trono, -- ang kanilang bilang ay 200, 000, 000 -- at ang mga buhay na nilalang at mga nakatatanda. \v 12 Kanilang sinabi sa malakas na tinig, "Karapat-dapat ang Kordero na pinatay na tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian at kapurihan."

1
05/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Narinig ko bawat bagay na nasa langit, at sa lupa, at sa ilalim ng lupa at sa dagat -- lahat ng bagay sa kanila -- sinasabing: "Sa kaniya na siyang nakaupo sa trono, at sa Kordero, ay ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian, at kapangyarihan para mamahala, magpakailan pa man. \v 14 Ang apat na buhay na nilalang ay sinabing' "Amen" at ang mga nakatatanda ay humiga at sumamba.

1
06/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Tumingin ako nang buksan ng Kordero ang isa sa pitong mga selyo, at narinig ko ang isa sa apat na buhay na nilalang na sinabi sa tinig na gaya ng tunog ng kulog, "Halika!" \v 2 Tumingin ako at naroon ang isang puting kabayo! Ang nakasakay ay may hawak na pana, at binigyan siya ng isang korona. Siya ay lumabas bilang isang manlulupig para manakop.

1
06/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Nang buksan ng Kordero ang ikalawang selyo, narinig ko ang ikalawang buhay na nilalang na sinabi, "Halika!" \v 4 Pagkatapos lumabas ang isa pang kabayo--maningas na pula. Sa sakay nito ay ibinigay ang pahintulot na alisin ang kapayapaan mula sa lupa, kaya itong ang mga tao ay magnais na patayin ang isa't isa. Binigyan ang sakay ng isang malaking espada.

1
06/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Nang buksan ng Kordero ang ikatlong seal, narinig ko ang ikatlong buhay na nilalang na sinabi, "Halika!" Nakita ko ang isang kabayong itim, ang sakay ay may hawak na pares ng timbangan sa kaniyang kamay. \v 6 Narinig ko ang tinig parang mula sa gitna ng apat ng buhay na nilalang, sinabi, "Isang takal ng trigo para sa isang dinaryo at tatlong takal ng sebada para sa isang dinario. Pero huwag mong ipahamak ang alak at langis."

1
06/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Nang buksan ng Kordero ang ika-apat na selyo, narinig ko ang ika-apat na buhay na nilalang na sinabi, "Halika!" \v 8 Pagkatapos nakita ko ang isang maputlang kabayo. Ang sakay dito ay pinangalanang Kamatayan at sumusunod sa kaniya ang hades. Sila ay binigyan ng kapangyarihan sa ibabaw ng isang ika-pat sa lupa, para patayin gamit ang espada, kagutuman at karamdaman at sa pamamagitan ng mga mababangis na hayop sa lupa.

1
06/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Nang buksan ng Kordero ang ikalimang selyo, nakita ko sa ilalim ng altar ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Diyos at sa kanilang patotoo na pinanghawakan nila nang buong pananalig. \v 10 Umiyak sila nang may malakas na tinig, "Gaano katagal, Tagapamahala sa ibabaw ng lahat, banal at totoo, hanggang hatulan mo ang mga nabubuhay sa lupa, at hanggang ipaghiganti mo ang aming dugo? \v 11 Pagkatapos bawa't isa sa kanila ay binigyan ng puting damit, at sila ay sinabihan na dapat silang maghintay ng kaunti hanggang ang lubos na bilang ng kapwa nila mga lingkod at mga kapatid na lalaki at babae ay abutin siyang patayin, na gaya nilang pinatay.

1
06/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Nang buksan ng Kordero ang ika-anim na selyo, nagmasid ako, at nagkaroon ng malakas na lindol. Ang araw ay naging kasing itim ng sako. At ang kabilugan ng buwan ay naging parang dugo. \v 13 Ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa, tulad ng puno ng igos na ang mga bunga ay nahuhulog sa panahon ng taglamig kapag inihip ng malakas na hangin. \v 14 Naglaho ang langit tulad ng balumbong nirolyo ng pataas. Bawat bundok at isla ay nalipat sa kanilang mga kinalalagyan.

1
06/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Pagkatapos ang mga hari sa lupa at ang mahahalagang tao, at ang mga heneral, ang mayaman, ang makapangyarihan, at iba pa, alipin at malaya, nagtago sa mga kuweba at sa kalagitnaan ng mga bato sa kabundukan. \v 16 Tabunan kami! Itago mo kami mula sa mukha niya na siyang nakaupo sa trono at mula sa galit ng Kordero." \v 17 Dahil darating ang dakilang araw ng kanilang poot, at sino ang makakayang tumayo?"

1
07/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Pagkatapos nito nakita ako ng apat na angel nakatayo sa apat na sulok ng lupa, mahigpit na hinahawakan ang apat na hangin sa lupa kaya dapat walang umihip na hangin sa lupa, sa dagat at laban sa anumang puno. \v 2 Nakita ko ang isa pang anghel na dumarating mula sa silangan, na taglay ang selyo ng buhay na Diyos. Sumigaw siya nang may malakas na tinig sa apat na anghel na binigyan ng pahintulot na pinsalain ang lupa at dagat. " \v 3 Huwag ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga puno, hanggang lagyan na namin ng isang tatak ang mga noo ng lingkod ng ating Diyos."

1
07/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Narinig ko ang bilang ng siyang mga natatakan: 144, 000, siyang mga natatakan mula sa bawat lipi ng bayan ng Israel: \v 5 12, 000 mula sa lipi ni Juda ay natatakan, 12, 000 mula sa lipi ni Ruben, 12, 000 mula sa lipi ni Gad, \v 6 12, 000 mula sa lipi ni Asher, 12, 000 mula sa lipi ni Neftali, 12, 000 mula sa lipi ni Manases.

1
07/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 12, 000 mula sa lipi ni Simeon, 12000 mula sa lipi ni Levi, 12, 000 mula sa tlipi ni Isacar. \v 8 12, 000 mula sa lipi ni Zebulun, 12, 000 mula sa lipi ni Jose at 12, 000 mula sa lipi ni Benjamin ay natatakan.

1
07/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Pagkatapos makita ko ang mga ito, at mayroong isang malaking maraming tao na walang sinuman ang makabilang -- mula sa bawat bansa, lipi, bayan, at wika -- nakatayo sa harap ng trono sa harapan ng Kordero. Nakasuot sila ng puting mga balabal at hawak ang mga sanga ng palma sa kanilang mga kamay, \v 10 at sila ay sumisigaw ng may malakas na tinig: "Ang kaligtasan ay pagmamay-ari ng ating Diyos, siya na nakaupo sa trono, at ng Kordero!"

1
07/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Ang lahat ng mga anghel ay nakatayo sa paligid ng trono, at sa paligid ng mga matatanda at ng apat na buhay na mga nilalang, at sila ay humiga sa lupa, at inilapat ang kanilang mga mukha sa lupa sa harap ng trono at sumamba sila sa Diyos, \v 12 na nagsasabing, "Amen! Papuri, kaluwalhatian, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan ay sumaating Diyos magpakailan pa man. Amen!"

1
07/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Pagkatapos isa sa mga matatanda ay nagtanong sa akin: "Sino ang mga ito, nadaramitan ng puting mga kasuotan, at saan sila nagmula?" \v 14 Sinabi ko sa kaniya, "Alam po ninyo, ginoo," at sinabi niya sa akin, "Sila ang mga nagmula sa Dakilang Pag-durusa. Hinugasan nila ang kanilang mga kasuotan at naging maputi dahil sa dugo ng Kordero."

1
07/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Dahil sa ganitong dahilan, sila ay nasa harapan ng trono ng Diyos at sumasamba sila araw at gabi sa kaniyang templo. Siya na siyang nakaupo sa trono, ay maglalatag ng tolda sa ibabaw nila. \v 16 Hindi na sila magugutom muli, ni sila ay mauuhaw muli. Hindi sila masasaktan sa araw ni anumang nasusunog na init. \v 17 Dahil ang Kordero na nasa gitna ng trono ay kanilang magiging pastol, at gagabayan niya sila patungo sa bukal na tubig ng buhay, papahirin ng Diyos ang bawat luha mula sa kanilang mga mata."

1
08/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Nang buksan ng Kordero ang ika-pitong selyo, naroon ang isang katahimikan sa langit nang mga kalahating oras. \v 2 Pagkatapos nakita ko ang pitong anghel na siyang nakatayo sa harap ng Diyos. at pitong mga trumpeta ang ibinigay sa kanila.

1
08/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Isa pang anghel ang dumating, hawak ang isang gintong mangkok ng insenso, nakatayo sa altar. Maraming insenso ang ibinigay sa kaniya, sa gayon dapat niya itong ialay kasama ng mga panalangin ng lahat ng mga mananampalataya sa gintong altar sa harap ng trono. \v 4 Ang usok ng insenso kasama ng mga panalangin ng mga mananampalataya, ay bumangon sa harap ng Diyos mula sa kamay ng anghel. \v 5 Kinuha ng anghel ang mangkok ng insenso at pinuno ito ng apoy mula sa altar. Pagkatapos ibinato niya ito sa lupa, at nagkaroon ng salpukan ng mga kulog, mga dagungdong, at mga kislap ng kidlat at isang lindol.

1
08/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Ang pitong anghel na may mga trumpeta ay naghanda para patunigin sa kanila. \v 7 Pinatunog ng unang anghel ang kaniyang trumpeta, at umulan ng yelo at apoy na may halong dugo. Ito ay inihagis pababa sa lupa kaya ang ikatlong bahagi nito ay natupok, ang ikatlong bahagi ng mga puno ay natupok, at ang lahat ng mga damong berde ay natupok.

1
08/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Pinatunog ng ikalawang anghel ang kaniyang trumpeta, at isang bagay na parang isang napakalaking bundok na nasusunog ng apoy ang itinapon sa dagat. Ang ikatlong bahagi ng dagat ay naging dugo, \v 9 ang ikatlong bahagi ng buhay na mga nilalang sa tubig ay namatay, at ang ikatlong bahagi ng mga barko ay nasira.

1
08/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Pinatunog ng ikatlong anghel ang kaniyang trumpeta, at isang napakalaking bituin ang nahulog mula sa himpapawid, nagliliyab tulad ng isang sulo, sa ikatlong bahagi ng mga ilog at mga bukal na tubig. \v 11 Ang pangalan ng bituin ay Kapaitan. Ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging mapait, at maraming mga tao ang namatay mula sa tubig na naging mapait.

1
08/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Pinatunog ng ika-apat na anghel ang kaniyang trumpeta, at ang ikatlong bahagi ng araw ay hinampas, gayun din ang ikatlong bahagi ng buwan, at ikatlo ng mga bituin. Kaya ang ikatlo sa kanila ay nagdilim, ang ikatlo sa araw at ikatlo sa gabi ay nawalan ng liwanag.

1
08/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Tumingin ako, at narinig ko na lumilipad ang isang agila sa gitna ng himapapawid, tumatawag ng may malakas na tinig, "Kaawa-awa, kaawa-awa, kaawa-awa, sila na nabubuhay sa lupa, dahil sa natitira pang mga pagsabog ng trumpeta na malapit ng patunugin ng tatlong anghel."

1
09/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Pagkatapos hinipan ng ikalimang anghel ang kaniyang trumpeta. Nakita ko ang isang bituin mula sa langit na nahulog sa lupa. Ibinigay sa bituin ang susi ng lagusan patungo sa napakalalim na hukay. \v 2 Binuksan niya ang lagusan ng napakalalim na hukay at lumabas ang isang haligi ng usok sa lagusan tulad ng usok mula sa malaking pugon. Nagdilim ang araw at ang hangin dahil sa usok na lumalabas mula sa lagusan.

1
09/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Lumabas sa lupa ang mga balang mula sa usok, at binigyan sila ng kapangyarihan katulad ng mga alakdan sa lupa. \v 4 Sinabihan sila na huwag pinsalain ang damo sa lupa o anumang berdeng halaman o puno, pero mga tao lamang na walang tatak ng Diyos sa kanilang mga noo.

1
09/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Sila ay hindi nagbigay ng pahintulot na patayin ang mga taong iyon, pero pahirapan lamang sila sa loob ng limang buwan. Kanilang matinding paghihirap ay naging tulad ng kagat ng isang alakdan kapag hinampas ng isang tao. \v 6 Sa mga araw na iyon ay hahanapin ng mga tao ang kamatayan, pero di nila ito mahahanap. Sila ay matagal mamamatay, pero lalayo sa kanila ang kamatayan.

1
09/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Ang mga balang ay katulad ng mga kabayong nakahanda sa digmaan. Sa kanilang mga ulo ay may tulad ng mga gintong korona at ang kanilang mga mukha ay tulad ng mga mukha ng tao. \v 8 May buhok silang gaya ng buhok ng mga babae at ang kanilang mga ngipin ay gaya ng ngipin ng mga leon. \v 9 Mayroon silang mga baluting tulad ng baluting bakal, at ang tunog ng kanilang mga pakpak ay parang tunog na gawa sa mga karwahe at mga kabayong tumatakbo sa loob ng digmaan.

1
09/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Mayroon silang mga buntot na may tulis tulad ng mga alakdan; sa kanilang mga buntot ay may kapangyarihan silang makasakit sa mga tao nang limang buwan. \v 11 Mayroon silang hari na nangunguna sa kanila ang anghel sa pinakailalim ng hukay. Ang kaniyang pangalan sa Hebreo ay Abadon at sa Griego ang kaniyang pangalan ay Apolion. \v 12 Ang unang kaawa-awa ay nakaraan. Masdan mo! Matapos ito may dalawang pang kapahamakan ang darating.

1
09/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Hinipan ng ika-anim na angel ang kaniyang trumpeta, at narinig ko ang tinig na nagmumula sa mga sungay ng gintong altar na naroon sa harapan ng Diyos. \v 14 Sinabi ng tinig sa ika-anim na anghel na may trumpet, "Pakawalan ang apat ng anghel na nakagapos sa dakilang ilog Eufrates". \v 15 Ang apat na anghel na siyang naihanda para sa sobrang oras na iyon, nang araw na iypn, nang buwan na iyon, at nang taon na iyon ay pinalaya par patayin ang ikatlong bahagi ng sang katauhan.

1
09/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Ang bilang ng mga kawal na nasakay sa kabayo ay 200, 000, 000. Narinig ko ang kanilang bilang. \v 17 Ganito ko nakita ang mga kabayo sa aking pangitain, at ang mga nakasakay sa kanila. Ang kanilang mga baluti ay maningas na pula, matingkad na asul at asupreng dilaw. Ang ulo ng mga kabayo ay kahawig ng mga ulo ng mga lion at lumalabas sa kanilang mga bibig ang apoy, usok at asupre.

1
09/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Ang ikatlong bahagi ng bayan ay pinatay sa pamamagitan ng tatlong salot na ito: ang apoy, usok, at asupre na lumabas sa kanilang mga bibig. \v 19 Dahil ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang mga bibig at sa kanilang mga buntot--dahil ang kanilang mga buntot ay tulad ng mga ahas, at mayroon silang mga ulo na nagsanhi ng mga sugat sa tao.

1
09/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Ang natira sa sangkatauhan, ang siyang mga hindi pinatay sa pamamagitan ng mga salot na ito, hindi nagsisi sa mga gawaing gawa nila, o ginawa ba nilang itigil ang pagsamba sa mga demonyo at mga diyus-diyosang ginto, pilak tanso, bato at kahoy--mga bagay na hindi nakakikita, nakaririnig o nakalalakad. \v 21 Ni hindi nila ginawang magsisi sa kanilang mga pagpatay, kanilang pangugulam, kanilang sekswal na imoralidad o ang kanilang gawaing pagnanakaw.

1
10/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Pagkatapos nakita ko ang isa pang malakas na anghel bumababa mula sa langit. Nababalutan siya ng isang ulap at may isang bahanghari sa itaas ng kaiyang ulo. Ang kaniyang mukha ay tulad ng araw at ang kaniyang mga paa ay gaya ng haliging apoy. \v 2 May hawak siya sa kaniyang kamay na isang maliit na balumbon na nakabukas, at ipinatong niya sa dagat ang kaniyang kanang paa at ang kaniyang kaliwang paa sa lupa.

1
10/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Pagkatapos sumigaw siya ng malakas na tinig gaya ng umaatungal na leon, at nang siya ay sumigaw ang pitong mga kulog ay dumagundong. \v 4 Nang dumagundong ang pitong kulog, halos isusulat ko na, pero narinig ko ang isang tinig mula sa langit na sinasabing, "Manatiling lihin anuman ang sinabi ng pitong kulog. Huwag itong isulat."

1
10/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Pagkatapos ang anghel na aking nakitang nakatayo sa dagat at sa lupa, ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit \v 6 at nanumpa sa pamamagitan niya na mabubuhay magpakailanman -- siyang lumikha ng langit at lahat ng naroon, ang lupa at lahat ng naroon, at ang dagat at lahat ng naroon: "Walang maaaring magtagal doon. \v 7 Pero sa araw kung kailan ang ika-pitong anghel ay malapit nang hipan ang kaniyang trumpeta, pagkatapos ang hiwaga ng Diyos ay naganap na, gaya ng kaniyang ipinahayag sa kaniyang mga lingkod na mga propheta."

1
10/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Narinig ko ang tinig mula sa langit na may muling sinasabi sa akin: "Lumakad ka, kunin mo ang bukas na balumbon na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa." \v 9 Pagkatapos pumunta ako sa angel at sinabi ko sa kaniya na ibigay niya sa akin ang maliit na balumbon. Sinabi niya sa akin, "Kunin mo ang balumbon at kaiinin ito. Gagawin nitong mapait ang iyong tiyan, pero sa iyong bibig ito ay magiging kasing tamis ng pulot.

1
10/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Kinuha ko ang maliit na balumbon mula sa kamay ng anghel at kinain ko ito. Ito ay kasing tamis ng pulot sa aking bibig pero pagkatapos ko itong kainin ay pumait ang aking tiyan. \v 11 Pagkatapos ilang mga tinig ang nagsabi sa akin, "Kailangan mong magpropesiya muli tungkol sa maraming tao, mga bansa, mga wika at sa mga hari."

1
11/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Isang tambo ang binigay sa akin para gamitin tulad ng isang panukat. Sinabihan ako, "Tumayo ka at sukatin ang templo ng Diyos at ang altar, at ang mga sumasamba sa loob nito. \v 2 Pero huwag mong susukatin ang patyo sa labas ng templo, dahil naibigay na iyon sa mga Gentil. Pagtatapakan nila ang banal na lungsod sa loob ng apatnapu't dalawang buwan.

1
11/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Bibigyan ko ang aking dalawang saksi ng kapangyarihan para magpropesiya sa loob ng 1, 260 na araw, na nakadamit ng sako. " \v 4 Ang mga saksing ito ay ang dalawang puno ng olibo at dalawang ilawan na nakatayo sa harapan ng Panginoon sa lupa. \v 5 Kung sinuman ang magpapasyang manakit sa kanila, lalabas ang apoy mula sa kanilang bibig at tutupukin ang kanilang mga kaaway. Sinuman ang magnanais manakit ay papatayin sa ganitong paraan.

1
11/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Ang mga saksing ito ay may kapangyarihan para isara ang kalangitan kaya walang bubuhos na ulan sa oras nang sila ay magpropesiya. May kapangyarihang silang gawing dugo ang mga tubig at hampasin ang mundo kasama ang lahat ng uri ng salot anuman ang kanilang hilingin. \v 7 Kapag natapos na nila ang kanilang patotoo, lalabas ang halimaw mula sa pinakailalim ng hukay at makikipagdigma laban sa kanila. Lulupigin nila sila at papatayin.

1
11/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Ang kanilang mga katawan ay ilalatag sa kalsada sa dakilang lungsod (na tinatawag na Sodom at Egipto bilang simbolo) kung saan ipinako sa krus ang kanilang Panginoon. \v 9 Sa loob ng tatlo at kalahating araw ilan mula sa bawat bayan, lipi, wika, at bansa ay tinitingnan ang kanilang mga katawan at hindi nila pahihintulutang ilagay sa isang libingan.

1
11/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Silang mga naninirahan sa lupa ay magagalak sa kanila at magdiriwang, kahit nagpapadala sila ng mga kaloob sa isa't isa dahil itong dalawang propeta ay pinahirapan ang mga naninirahan sa lupa. \v 11 Pero makalipas ang tatlo at kalahating araw isang hininga ng buhay mula sa Diyos ay papasok sa kanila at sila ay tatayo sa kanilang mga paa. Matinding takot ang lulukob sa lahat ng makakakita sa kanila. \v 12 Pagkatapos maririnig nila ang malakas na tinig mula sa langit na sinasabi sa kanila, "Umakyat kayo rito!" At sila ay aakyat sa langit sa isang ulap, habang nakatingin ang kanilang mga kaaway.

1
11/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Sa oras na iyon nagkaroon doon ng isang matinding lindol at ang ika-sampung bahagi ng lungsod nagiba. Pitong libong tao ang namatay sa lindol at ang mga nakaligtas ay natakot at nagbibigay kaluwalhatian sa Diyos ng langit. \v 14 Ang ikalawang kapighatian ay lumipas na. Pagmasdan ito! Ang ikatlong kapighatian ay mabilis dadating.

1
11/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Pagkatapos pinatunog ng ika-pitong anghel ang kaniyang trumpeta, at malalakas na tinig ang nagsalita sa langit at sinabing, "Ang kaharian ng mundo ay magiging kaharian na ng ating Panginoon at ng kaniyang Cristo. Siya ay maghahari magpakailan pa man."

1
11/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Pagkatapos ang dalawampu't apat na nakatatanda na nakaupo sa mga trono sa presensiya ng Diyos ay ibinaba ang kanilang mga sarili sa lupa, na nakatungo at sinamba ang Diyos. \v 17 Sinabi nila, "Nagpapasalamat kami sa iyo, Panginoong Diyos, ang naghahari sa lahat, ang isa na at ang siyang noon, dahil nakamit mo ang iyong dakilang kapangyarihan at nagsimulang maghari.

1
11/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Sumiklab ang galit ng mga bansa, pero ang iyong poot ay dumating na. Ang panahon ay narito na para ang mga patay para hatulan at dahil sa iyo para gantimpalaan ang iyong mga lingkod, ang mga propeta, ang mga mananampalataya, at silang mga may takot sa iyong pangalan, silang mga hindi mahalaga at ang dakila. At ang oras ay dumating dahil sa iyo para wasakin silang mga sumisira sa mundo.

1
11/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Pagkatapos bumukas ang templo ng Diyos sa langit at ang kaban ng kaniyang tipan ay nakita sa loob ng kaniyang templo. May mga kislap ng kidlat, mga dagundong at salpukan ng mga kulog, may lindol, at isang matinding pag-ulan ng yelo.

1
12/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Isang dakilang tanda ang nakita sa langit: isang babae na dinamitan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang paa; at nasa ulo niya ay korona ng labing dalawang bituin \v 2 Siya ay buntis at sumisigaw sa sakit ng pagsisilang--sa sakit ng panganganak.

1
12/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 At may isa pang tanda ang nakita sa langit. Tingnan mo! May isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay, at may pitong korona sa kaniyang mga ulo. \v 4 Tinaboy ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihulog pababa sa lupa. Tumayo ang dragon sa harap ng babae na malapit nang magsilang, kaya nang siya ay nagsilang, gusto niyang ay lamunin ang kaniyang anak.

1
12/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Nagsilang siya ng isang anak, isang batang lalaki, na siyang maghahari sa lahat ng mga bansa nang may tungkod na bakal. Inagaw ang kaniyang anak papunta sa Diyos at sa kaniyang trono, \v 6 at tumakas ang babae papunta sa ilang, kung saan inihanda ng Diyos ng lugar para sa kaniya, kaya maalagaan siya ng 1, 260 araw.

1
12/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Ngayon may labanan doon sa langit. Si Michael at ang kaniyang mga anghel ay nakipaglaban sa dragon; at lumaban pabalik ang dragon at ang kaniyang mga anghel. \v 8 Pero ang dragon ay hindi gaanong malakas para manalo. Kaya wala ng natitirang lugar sa langit para sa kaniya at sa kaniyang mga anghel. \v 9 Ang dakilang dragon -- ang dating ahas na tinawag na demonyo o Satanas na nanlilinlang sa buong mundo-- ay tinapon pababa sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay itinapon pababa kasama siya.

1
12/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Pagkatapos narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, "Ngayon narito na ang kaligtasan, ang kapangyarihan -- at ang kaharian ng ating Diyos, at ang kapangyarihan ng kaniyang Cristo. Dahil ang taga-paratang ng ating mga kapatid ay naitapon na pababa -- siyang nagparatang sa kanila araw at gabi sa harap ng ating Diyos.

1
12/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Siya ay kanilang nilupig sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at sa pamamagitan ng kanilang patotoo, dahil hindi nila minahal ang kanilang buhay nang higit, kahit sa kamatayan. \v 12 Kaya, magalak, kayong mga langit, at lahat ng naninirahan sa kanila. Pero kaawa-awa ang nasa lupa at ang nasa dagat dahil ang demonyo ay bumaba sa inyo. Napuno siya ng nakasisindak na galit, dahil alam niya na kakaunti lamang ang kaniyang oras.

1
12/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Nang mapagtanto ng dragon na siya ay itinapon sa lupa, hinanap niya ang babaing nagsilang ng batang lalaki. \v 14 Pero ang babae ay binigyan ng dalawang pakpak ng isang malaking agila, kaya siya ay nakalipad sa lugar na inihanda para sa kaniya sa ilang, ang lugar kung saan siya mapapangalagaan, sa loob ng isang oras, maraming oras at kalahating oras--na malayong maabot ng ahas.

1
12/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Nagbuga ng tubig mula sa kaniyang bibig ang ahas tulad ng isang ilog, kaya nakagawa ng isang baha para tangayin siya. \v 16 Pero tinulungan ng lupa ang babae. Binuksan nito ang kaniyang bibig at nilunok ng ilog ang binuga ng dragon mula sa kaniyang bibig. \v 17 Pagkatapos sumiklab ang galit ng dragon sa babae at umalis para makipagdigma sa mga natitirang kaapu-apuhan niya - silang mga sumunod sa mga kautusan ng Diyos at pinanghawakan ang mga patotoo tungkol kay Jesus. \v 18 Pagkatapos tumayo ang dragon sa buhangin ng dalampasigan.

1
13/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Pagkatapos nakita ko ang isang halimaw na umaahon mula sa dagat. Siya ay may sampung sungay at pitong ulo. Sa mga sungay nito ay may sampung korona, at sa kaniyang ulo ay may mga pangalan na paglalapastangan sa Diyos. \v 2 Itong halimaw na nakita ko ay parang isang leopardo. Ang kaniyang mga paa ay tulad ng mga paa ng isang oso, at ang kaniyang bibig ay tulad ng bibig ng isang leon. Ibinigay ng dragon ang kapangyarihan nito sa kaniya, at ang kaniyang trono, at ang kaniyang lubos na kapangyarihan para mamuno.

1
13/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Isa sa mga ulo ng halimaw ay nagkaroon ng nakamamatay na sugat na maaring maging sanhi ng kaniyang kamatayan. Pero ang sugat na iyon ay humilom, at ang buong mundo ay namangha at sumunod sa halimaw. \v 4 Sinamba rin nila ang dragon, dahil ibinigay niya ang kaniyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw at paulit-ulit na sinabi, "Sino ang tulad ng halimaw? at " Sino ang maaaring lumaban sa kaniya?"

1
13/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Binigyan ang halimaw ng bibig na maaring magsalita ng mga mapagmataas na mga salita at mga paglalapastangan. Pinahintulutan siyang gamitin ang kapangyarihan ng apatnapu't dalawang buwan. \v 6 Kaya binuksan ng halimaw ang kaniyang bibig para magsalita ng mga paglalapastangan laban sa Diyos, hinahamak ang kaniyang pangalan, ang lugar kung saan siya nanirahan, at silang mga naninirahan sa langit.

1
13/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Pinahintulutan ang halimaw na makipagdigmaan sa mga mananampalataya at para lupigin sila. Gayundin, ibinigay sa kaniya ang kapangyarihan ng bawat lipi, mga tao, wika, at bansa. \v 8 Lahat ng mga naninirahan sa lupa ay sasambahin siya, ang lahat ng hindi nakasulat ang pangalan, simula pa nang nilikha ang mundo, sa aklat ng buhay, na pagmamay-ari ng Kordero, siyang pinatay.

Some files were not shown because too many files have changed in this diff Show More