tl_jos_text_ulb/21/08.txt

1 line
541 B
Plaintext

\v 8 Kaya ibinigay ng bayan ng Israel ang mga lungsod na ito, kasama ang kanilang mga lupang pastulan, sa mga Levita sa pamamagitan ng mga palabunutan, gaya ng inutos ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Moises. \v 9 Mula sa mga lipi ng Juda at Simeon, nagtalaga sila ng lupain sa mga sumusunod na mga lungsod, nakalista rito ang bawat pangalan. \v 10 Ibinigay ang mga lungsod na ito sa mga kaapu-apuhan ni Aaron, na kabilang sa mga angkan ng mga Kohatita, na nagmula naman sa lipi ni Levi. Dahil natapat sa kanila ang unang mga palabunutan.