\v 25 Mula sa kalahating lipi ni Manases, ibinigay ang Taanac sa angkan ng Kohat kasama ang mga lupang pastulan nito at Gatrimon kasama ang mga lupang pastulan nito—dalawang lungsod. \v 26 May sampung lungsod lahat para sa mga natirang mga angkan ng Kohatita, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.