Tue Jan 02 2024 00:15:16 GMT+0800 (Philippine Standard Time)

This commit is contained in:
jmpdrnl 2024-01-02 00:15:17 +08:00
commit 4dc95d685c
311 changed files with 377 additions and 0 deletions

1
01/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Ngayon ito ang nangyari pagkatapos mamatay si Moises, ang lingkod ni Yahweh, na nangusap si Yahweh kay Josue ang anak ni Nun, punong pumapangalawa kay Moises, sinasabing, \v 2 "Namatay na si Moises na aking lingkod. Kaya ngayon, magbangon, tawirin ang Jordang ito, ikaw at lahat ng mga bayang ito, sa lupaing ibinibigay ko sa kanila—sa mga bayan ng Israel. \v 3 Ibinigay ko sa inyo ang bawat lugar na lalakaran ng talampakan ng inyong paa. Ibinigay ko na ito sa inyo, gaya ng ipinangako ko kay Moises.

1
01/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Magiging lupain ninyo, mula sa ilang at Lebanon hanggang sa malawak na ilog, ang Eufrates, lahat ng lupain ng mga Heteo, at sa Malawak na Dagat, kung saan lumulubog ang araw. \v 5 Walang sinumang makakatayo sa harap ninyo sa lahat ng araw ng inyong buhay. Sasamahan kita tulad ng pagsama ko kay Moises. Hindi kita pababayaan o iiwan kita.

1
01/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Maging malakas at matapang. Idudulot mong manahin ng mga taong ito ang lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ninunong ibibigay ko sa kanila. \v 7 Maging malakas at napakatapang. Maging maingat na sundin ang lahat ng batas na iniutos sa inyo ng aking lingkod na si Moises. Huwag kayong lilihis mula rito sa kanan o sa kaliwa, para maging matagumpay kayo saan man kayo pupunta.

1
01/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Palagi kang magsasalita tungkol sa aklat ng batas na ito. Pagbubulay-bulayan mo ito sa araw at gabi para masunod mo ang lahat na nakasulat dito. Sa gayon magiging maunlad ka at matagumpay. \v 9 Hindi ba iniutos ko sa iyo? Maging malakas at matapang! Huwag matakot. Huwag matakot. Kasama mo si Yahweh na iyong Diyos saan ka man pupunta."

1
01/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Pagkatapos inutusan ni Josue ang mga pinuno ng bayan, \v 11 "Lumibot kayo sa kampo at utusan ang mga tao, 'Maghanda ng makakain para sa inyong sarili. Sa loob ng tatlong araw tatawirin ninyo ang Jordang ito at papasukin at aangkinin ang lupain na ibinibigay ni Yahweh inyong Diyos sa inyo para angkinin."'

1
01/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Sinabi ni Josue sa mga lipi ni Reubenita, mga lipi ni Gadita at sa kalahating lipi ni Manases, \v 13 "Alalahanin ang salitang iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ni Yahweh nang sinabi niyang, 'Binibigyan kayo ng pahinga ni Yahweh na inyong Diyos, at ibinibigay niya sa inyo ang lupaing ito.'

1
01/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Mananatili sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises sa kabila ng Jordan ang inyong mga asawa, inyong mga maliliit, at ang inyong mga alagang hayop. Pero ang inyong mga mandirigma ay tatawid kasama ng inyong mga kapatid na lalaki at tutulungan sila \v 15 hanggang ipagkaloob ni Yahweh sa inyong mga kapatid na lalaki ang kapahingahan tulad ng ibinigay niya sa inyo. At aangkinin din nila ang lupaing ibinibigay sa kanila ni Yahweh na inyong Diyos. Pagkatapos babalik kayo sa sarili ninyong lupain at angkinin ito, ang lupaing ibinigay ni Moises na lingkod ni Yahweh sa kabila ng Jordan, kung saan sumisikat ang araw."

1
01/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 At sumagot sila kay Josue, sinabing, "Gagawin namin ang lahat ng iniutos mo sa amin, at pupunta kami saan mo man kami ipapadala. \v 17 Susundin ka namin tulad ng pagsunod namin kay Moises. Nawa'y samahan ka ni Yahweh, tulad ng pagsama niya kay Moises. \v 18 Malalagay sa kamatayan ang sinumang susuway sa iyong mga utos at hindi susunod sa iyong mga salita. Maging malakas lamang at matapang."

1
02/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Pagkatapos palihim na ipinadala ni Josue anak ni Nun ang dalawang lalaki mula sa Sittim bilang mga espiya. Sinabi niya, "Lumakad kayo, manmanan ang buong lupain, lalung-lalo na ang Jerico." Umalis sila at dumating sa bahay ng isang bayarang babae na nagngangalang Rahab, at nanatili sila doon. \v 2 Sinabi ito sa hari ng Jerico, "Tingnan ninyo, dumating ang mga lalaki ng Israel para magmanman sa lupain." \v 3 Ang hari ng Jerico ay nagpasabi kay Rahab at sinabi, "Ilabas ang mga lalaking pumunta sa iyo na tumuloy sa iyong bahay, dahil naparito sila para magmanman sa buong lupain."

1
02/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Pero pinapasok ng babae ang dalawang lalaki at itinago sila. At sinabi niya, "Oo, pumunta ang mga lalaki sa akin, pero hindi ko alam kung saan sila galing. \v 5 Umalis sila nang takipsilim, oras iyon para isara ang tarangkahan ng lungsod. Hindi ko alam kung saan sila pumunta. Marahil maaabutan ninyo sila kung magmamadali kayong sundan sila."

1
02/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Pero dinala niya sila sa bubong at itinago sila gamit ang mga tangkay ng lino na kaniyang nilatag sa bubong. \v 7 Kaya sinundan sila ng mga lalaki sa daang papunta sa mga tawiran ng Jordan. At isinara ang mga tarangkahan pagkalabas ng mga humahabol.

1
02/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Hindi pa nakakahiga ang mga lalaki para sa gabi, nang umakyat siya sa kanila sa bubong. \v 9 Sinabi niya, "Alam ko na ibinigay ni Yahweh sa inyo ang lupain at ang takot sa inyo ay dumating sa amin. Ang lahat ng naninirahan sa lupain ay manghihina sa inyong harapan.

1
02/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Nabalitaan namin kung paano pinatuyo ni Yahweh ang tubig ng Dagat na Pula para sa inyo noong lumabas kayo sa Ehipto. At nabalitaan namin kung ano ang ginawa ninyo sa dalawang hari ng mga Amoreo sa kabilang dako ng Jordan—Sihon at Og—na winasak ninyong ganap. \v 11 Sa pagkarinig namin nito, natunaw ang aming mga puso at walang tapang ang naiwan sa sinuman—dahil si Yahweh na inyong Diyos, siya ang Diyos sa langit sa itaas at sa lupa sa ibaba.

1
02/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Kaya ngayon, pakiusap mangako ka sa akin sa pamamagitan ni Yahweh na, katulad ng aking kabutihan sa inyo, pakitunguhan rin ninyo ng may kabutihan ang sambahayan ng aking ama. Bigyan ninyo ako ng isang tiyak na palatandaan \v 13 na ililigtas ninyo ang buhay ng aking ama, ina, mga kapatid na lalaki at babae, at ang kanilang buong pamilya, at sa gayon ililigtas ninyo kami mula sa kamatayan."

1
02/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, "Buhay namin para sa inyong buhay, kahit hanggang kamatayan! Kung hindi mo sasabihin ang aming pakay, kaya, kapag ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito magiging mahabagin kami at matapat sa iyo."

1
02/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Kaya pinalabas niya sila sa bintana gamit ang isang lubid. Ang bahay kung saan siya nanirahan ay itinayo sa loob ng pader ng lungsod. \v 16 Sinabi niya sa kanila, "Pumunta kayo sa mga burol at magtago o ang mga humahabol ay makikita kayo. Magtago kayo doon sa loob ng tatlong araw hanggang ang mga humahabol ay makabalik. Pagkatapos magpatuloy na sa inyong landas." \v 17 Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, "Wala kaming pananagutan sa mga pangakong ipinagawa mo sa aming sumpaan, kung hindi mo gagawin ito:

1
02/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Kapag pumasok kami sa lupain, dapat itali mo itong matingkad na pulang lubid sa bintana na siyang pinagbabaan mo sa amin, at magtitipon kayo sa bahay ng iyong ama at ina, iyong mga lalaking kapatid at ang buong sambahayan ng iyong ama. \v 19 Sinuman ang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay patungo sa lansangan, ang kanilang dugo ay nasa kanilang sariling mga ulo at wala kaming pananagutan. Pero kung may isang kamay na manakit sa sinumang kasama mo sa bahay, ang kaniyang dugo ay nasa aming mga ulo.

1
02/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Pero kung ipagsasabi mo itong aming pakay, kung gayon wala kaming pananagutan sa pangakong aming sinumpaan sa iyo, sa pangakong pinagawa mong aming sumpaan." \v 21 Sumagot si Rahab, "Matupad nawa ang inyong sinabi." Pinaalis niya sila at umalis sila. Pagkatapos itinali niya ang matingkad na pulang lubid sa bintana.

1
02/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Umalis at umakyat sila sa mga burol at nanatili sila doon ng tatlong araw hanggang sa makabalik ang mga humahabol sa kanila. Naghanap ang mga humahabol sa kahabaan ng daanan at wala silang natagpuan.

1
02/23.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 23 Bumalik ang dalawang lalaki at tumawid at nagbalik kay Josue anak ni Nun, at isinalaysay nila sa kaniya ang lahat ng bagay na nangyari sa kanila. \v 24 At sinabi nila kay Josue, "Totoong ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito. Natatakot ang lahat ng mga naninirahan sa lupain dahil sa atin.

1
03/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Maagang bumangon si Josue, at umalis sila mula sa Sittim. Dumating sila sa Jordan, siya at ang lahat ng bayan ng Israel, at nagkampo sila roon bago sila tumawid.

1
03/02.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 2 Pagkaraan ng tatlong araw, naglibot ang mga opisyales sa gitna ng kampo; \v 3 inutusan nila ang mga tao, "Kapag nakita ninyo ang kaban ng tipan ni Yahweh na inyong Diyos, at ang mga Levitang paring binubuhat ito, dapat kayong umalis sa lugar na ito at sundan iyon. \v 4 Dapat may pagitan ito ng dalawang libong kubit sa inyo. Huwag kayong lalapit dito, para makita ninyo kung alin ang daraanan, dahil hindi pa ninyo dinaanan ang daang ito dati."

1
03/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Sinabi ni Josue sa mga tao, "Ihandog ang inyong mga sarili kay Yahweh bukas, dahil gagawa si Yahweh ng mga kababalaghan sa inyo." \v 6 Pagkatapos sinabi ni Josue sa mga pari, "Buhatin ang kaban ng tipan, at dumaan sa harapan ng mga tao." Kaya binuhat nila ang kaban ng tipan at pumunta sa harapan ng mga tao.

1
03/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Sinabi ni Yahweh kay Josue, "Sa araw na ito gagawin kitang dakila sa mga mata ng buong Israel. Malalaman nila na gaya ng ako ay kasama ni Moises, ako ay makakasama mo. \v 8 Utusan mo ang mga pari na nagdala ng kaban ng tipan, 'Kapag nakarating na kayo sa gilid ng tubig ng Jordan, dapat muna kayong huminto sa Ilog Jordan.'"

1
03/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Pagkatapos sinabi ni Josue sa mga Israelita, "Pumarito kayo, at pakinggan ang mga salita ni Yahweh na inyong Diyos. \v 10 Sa pamamagitan nito malalaman ninyo na kasama ninyo ang buhay na Diyos at paaalisin mula sa inyong harapan ang mga Cananaeo, ang mga Heteo, ang mga Hivita, ang mga Perezeo, ang mga Gergeseo, ang mga Amoreo, at ang mga Jebuseo. \v 11 Tingnan ninyo! Ang kaban ng tipan ng Panginoon ng buong mundo ay mauunang itatawid sa inyo sa Jordan.

1
03/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Ngayon pumili ng labindalawang kalalakihan mula sa mga lipi ng Israel, isang lalaki sa bawat isa. \v 13 Kapag nakaapak na sa tubig ng Jordan ang mga talampakan ng mga paring may dala ng kaban ng tipan ni Yahweh, ang Panginoon ng buong mundo, mahahati ang tubig ng Jordan, at kahit na ang daloy ng tubig na salungat sa agos ay hihinto sa pagdaloy at mananatili sila sa isang tambakan.

1
03/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Kaya nang umalis ang mga tao para tumawid sa Jordan, ang mga pari na may dala ng kaban ng tipan ay pinangunahan ang bayan. \v 15 Sa sandaling sumapit na sa Jordan ang may dala ng kaban, at ang paa ng mga iyon na may dala ng kaban ay lumubog sa gilid ng tubig (ngayon umaapaw ang Jordan sa lahat ng pangpang sa buong panahon ng pag-ani), \v 16 ang daloy ng tubig na salungat sa agos ay nanatili sa isang tambakan. Tumigil sa pagdaloy ang tubig mula sa malalayong lugar. Tumigil sa pagdaloy ang tubig mula sa Adam, ang lungsod na nasa tabi ng Zaretan, pababa sa karagatan ng Negeb, ang Dagat na Asin. At tumawid ang mga tao malapit sa Jerico.

1
03/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Nakatayo sa tuyong lupa sa gitna ng Jordan ang mga paring nagbuhat ng kaban ng tipan ni Yahweh hanggang nakatawid na ang lahat ng bayan ng Israel sa tuyong lupa.

1
04/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Nang nakatawid ang lahat ng mga tao sa Jordan, sinabi ni Yahweh kay Josue, \v 2 "Pumili ng labindalawang lalaki para sa inyong mga sarili mula sa inyong bayan, isang lalaki mula sa bawat lipi. \v 3 Ibigay sa kanila ang kautusang ito: 'Kumuha ng labindalawang bato mula sa gitna ng Jordan kung saan nakatayo ang mga pari sa tuyong lupa, at dalhin ninyo ang mga iyon at ilapag ang mga iyon sa lugar kung saan kayo ngayon magpapalipas ng gabi."'

1
04/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Pagkatapos tinawag ni Josue ang labindalawang lalaki na kaniyang pinili mula sa mga lipi ng Israel, isa sa bawat lipi. \v 5 Sinabi ni Josue sa kanila, "Pumunta sa kalagitnaan ng Jordan sa unahan ng kaban ni Yahweh inyong Diyos, bawat isa sa inyong na may isang bato sa kaniyang balikat--labindalawang bato, itayong katulad ng bilang ng mga lipi ng bayan ng Israel.

1
04/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Magiging isa itong palatandaan sa inyong kalagitnaan para sa inyo kapag nagtanong ang inyong mga anak sa mga darating na mga araw, 'Ano ang kahulugan ng mga batong ito sa inyo?' \v 7 Kaya sasabihin ninyo sa kanila, 'Nahati ang tubig ng Jordan sa harap ng kaban ng tipan ni Yahweh. Nang makatawid ito sa Jordan, nahati ang tubig ng Jordan. Kaya ang mga batong ito ay magiging isang alaala sa bayan ng Israel magpakailanman."'

1
04/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Ginawa ng bayan ng Israel gaya ng iniutos ni Josue, at namulo sila ng labindalawang bato mula sa kalagitnaan ng Jordan, gaya ng sinabi ni Yahweh kay Josue, inayos silang katulad ng bilang ng mga lipi ng bayan ng Israel. Binuhat nila ang mga ito sa lugar kung saan nagpalipas sila ng gabi at itinayo nila ang mga ito roon. \v 9 Pagkatapos nagtayo si Josue ng labindalawang bato sa kalagitnaan ng Jordan, sa lugar kung saan ang mga paa ng mga pari na nagbuhat ng kaban ng tipan ay tumayo. At ang bantayog ay naroon hanggang sa araw na ito.

1
04/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Tumayo ang mga paring nagbuhat ng kaban sa kalagitnaan ng Jordan hanggang ang lahat ng iniutos ni Yahweh kay Josue para sabihin sa bayan ay masunod, ayon sa lahat ng iniutos ni Moises kay Josue. Nagmadali tumawid ang mga tao. \v 11 Nang matapos na sa pagtawid ang lahat ng mga tao, ang kaban ni Yahweh at ang mga pari ay tumawid sa harap ng mga tao.

1
04/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Ang lipi ni Ruben, ang lipi ni Gad, at kalahating lipi ng Manases ay tumawid sa unahan ng bayan ng Israel nakahanay bilang isang hukbo, gaya ng sinabi ni Moises sa kanila. \v 13 Humigit-kumulang apatnapung libong kalalakihang nakahandang makipagdigma ay tumawid sa harap ni Yahweh, para sa labanan sa mga kapatagan ng Jerico. \v 14 Sa araw na iyon ginawang dakila ni Yahweh si Josue sa mga paningin ng buong Israel. Pinarangalan nila siya--gaya ng pagparangal nila kay Moises--sa lahat ng kaniyang mga araw.

1
04/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Pagkatapos nagsalita si Yahweh kay Josue, \v 16 "Utusan ang mga paring nagbubuhat ng kaban ng tipan ng mga kautusan na umahon mula sa Jordan."

1
04/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Kaya, inutusan ni Josue ang mga pari, "Umahon mula sa Jordan." \v 18 Nang umahon ang mga paring nagbubuhat ng kaban ng tipan ni Yahweh mula sa kalagitnaan ng Jordan, at ang mga talampakan nila ay inahon sa tuyong lupa, tapos nanumbalik ang mga ang tubig ng Jordan at umapaw sa mga pampang nito, gaya noong apat na araw na ang nakakalipas.

1
04/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Umahon ng Jordan ang mga tao sa ikasampung araw ng unang buwan. Nanatili sila sa Gilgal, silangan ng Jerico. \v 20 Ang labindalawang bato na kanilang kinuha sa Jordan, itinayo ni Josue sa Gilgal. \v 21 Sinabi niya sa bayan ng Israel, "Kapag tinanong ng inyong mga kaapu-apuhan ang kanilang mga ama sa darating na mga panahon, 'Ano ang mga batong ito?'

1
04/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Sabihin sa inyong mga anak, 'Dito ay kung saan pinatawid ang Israel sa tuyong lupa sa Jordan.' \v 23 Pinatuyo ni Yahweh na inyong Diyos ang tubig sa Jordan para sa inyo, hanggang sa makatawid kayo, gaya ng ginawa ni Yahweh inyong Diyos sa Dagat ng mga Tambo, na kaniyang tinuyo para sa atin hanggang tayo ay makatawid, \v 24 para malaman ng lahat ng mga tao sa mundo na ang kamay ni Yahweh ay makapangyarihan, at paparangalan ninyo si Yahweh ang inyong Diyos magpakailanman."

1
05/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Pagkarinig ng lahat ng hari ng mga Amoreo sa kanlurang dako ng Jordan, at lahat ng hari ng mga Cananaeo, na nasa baybayin ng Malaking Dagat, na pinatuyo ni Yahweh ang tubig sa Jordan hanggang nakatawid ang bayan ng Israel, natunaw ang kanilang mga puso, at walang anumang espiritu sa kanila dahil sa mga Israelita.

1
05/02.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 2 Sa panahong iyon sinabi ni Yahweh kay Josue, "Gumawa ka ng mga kutsilyo mula sa matigas na bato at tuliin minsan pa ang lahat ng lalaki ng Israel." \v 3 Pagkatapos gumawa mismo si Josue ng mga kutsilyo mula sa matigas na bato at tinuli ang lahat ng lalaki ng Israel sa Gibeat Haaralot.

1
05/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 At ito ang dahilan na tinuli sila ni Josue: lahat ng lalaking lumabas sa Ehipto, kasama ang lahat ng kalalakihang mandirigma, ay namatay sa ilang habang daan, pagkatapos nilang lumabas sa Ehipto. \v 5 Kahit tinuli na ang lahat ng lalaking lumabas sa Ehipto, gayon man, walang batang lalaking ipinanganak sa ilang habang daang palabas ng Ehipto ay tinuli.

1
05/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Naglakbay ang bayan ng Israel sa loob ng apatnapung taon sa ilang hanggang ang lahat ng tao, iyon ay, lahat ng kalalakihang mandirigma na nakalabas sa Ehipto ay namatay, dahil hindi nila sinunod ang tinig ni Yahweh. Ipinangako ni Yahweh sa kanila na hindi niya sila hahayaang makita ang lupaing ipinangako niya sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa amin, isang lupaing umaapaw ang gatas at pulot. \v 7 Ang kanilang mga anak na inalagaan ni Yahweh kapalit nila na silang tinuli ni Josue, dahil hindi pa sila tinuli sa daan.

1
05/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Nang tinuli silang lahat, nanatili sila sa kampo kung saan sila naroroon hanggang gumaling sila. \v 9 At sinabi ni Yahweh kay Josue, "Sa araw na ito inalis ko ang kahihiyan ng Ehipto mula sa inyo." Kaya tinawag ang lugar na iyon sa pangalang Gilgal hanggang sa araw na ito.

1
05/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Nagkampo ang bayan ng Israel sa Gilgal. Ipinagdiwang nila ang Paskua sa ikalabing apat na araw ng buwan, sa gabi, sa mga kapatagan ng Jerico. \v 11 At kinabukasan ng Paskua, sa araw mismong iyon, kinain nila ang ilan sa bunga ng lupain, tinapay na walang lebadura, at inihaw na butil.

1
05/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Tumigil ang manna sa araw matapos nilang kainin ang bunga ng lupain. Wala ng manna para sa bayan ng Israel, pero kinain nila ang bunga ng lupain ng Canaan sa taong iyon.

1
05/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Nang malapit na si Josue sa Jerico, tumingala siya at nakita, at masdan ito, isang lalaki ang nakatayo sa kaniyang harapan; hinugot niya ang kaniyang espada at ito at nasa kamay niya. Lumapit si Josue sa kaniya at sinabing, "Ikaw ba ay sa amin o para sa aming kaaway?"

1
05/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Sinabi niya, "Wala sa alinman. Dahil ako ang pinuno ng hukbo ni Yahweh. Ngayon naparito ako." Pagkatapos nagpatirapa si Josue sa lupa para sumamba at sinabi sa kaniya, "Ano ang sinasabi ng aking panginoon sa kaniyang lingkod?" \v 15 Sinabi ng pinununo ng hukbo ni Yahweh kay Josue, "Hubarin mo ang iyong sandalyas mula sa iyong mga paa, dahil banal ang lugar na iyong kinatatayuan." At ginawa iyon ni Josue.

1
06/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Ngayon nakasara lahat ang mga pasukan ng Jerico dahil sa hukbo ng Israel. Walang sinuman ang lumalabas at pumapasok. \v 2 Sinabi ni Yahweh kay Josue, "Tingnan mo, ibinigay ko sa inyo ang Jerico, ang hari nito at mga sundalong sinanay nito.

1
06/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Dapat kayong magmartsa sa palibot ng lungsod, lahat ng kalalakihan sa digmaan ay lilibutin ang lungsod nang minsanan. Dapat ninyong gawin ito sa loob ng anim na araw. \v 4 Dapat dalhin ng pitong pari ang pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ng kaban. Sa ikapitong araw, dapat kayong magmartsa ng pitong beses palibot ng lungsod at patunugin ng malakas ang mga trumpeta ng mga pari.

1
06/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Dapat silang magpatunog ng isang mahabang tunog gamit ang sungay ng lalaking tupa at kapag marinig ninyo ang tunog ng trumpeta dapat sumigaw ng napakalakas ang lahat ng mga tao at guguho ang pader ng lungsod. Dapat lumusob ang mga sundalo, bawat isa ng deretso lang."

1
06/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Pagkatapos tinawag ni Josue na anak na lalaki ni Nun, ang mga pari at sinabi sa kanila, "Buhatin ninyo ang kaban ng tipan, at hayaang dalhin ng pitong pari ang pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ng kaban ni Yahweh." \v 7 At sinabi niya sa mga tao, "Lumakad kayo at magmartsa sa palibot ng lungsdo at ang mga armadong kalalakihan ay mauuna sa kaban ni Yahweh."

1
06/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Tulad ng sinabi ni Josue sa bayan, dinala ng pitong pari ang pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ni Yahweh. Habang nauuna sila, pinatunog nila nang malakas ang mga trumpeta. Sumunod sa kanila ang Kaban ng Tipan ni Yahweh. \v 9 Lumakad ang mga armadong kalalakihan sa harapan ng mga pari, at gumawa sila ng isang malakas na tunog sa kanilang mga trumpeta, pero pagkatapos ang hulihang bantay ay sumusunod sa likod ng kaban, at tuluy-tuloy na hinipan ng mga pari ang kanilang mga trumpeta.

1
06/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Pero inutos ni Josue sa bayan, sinabing, "Huwag kayong sumigaw. Dapat walang tunog ang lalabas sa inyong mga bibig hanggang sa araw na sabihin kong sumigaw kayo. Sa pagkakataong iyon lamang kayo dapat sumigaw." \v 11 Kaya idinulot niya na ang Kaban ni Yahweh ay ilibot nang minsan sa lungsod sa araw na iyon. Pagkatapos pumasok sila sa kanilang mga kampo at nanatili sila sa kanilang kampo sa gabing iyon.

1
06/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Kaya gumising ng maaga si Josue at binuhat ng mga pari ang Kaban ni Yahweh. \v 13 Ang pitong paring may dala ng pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ng Kaban ni Yahweh at matatag na naglalakad, hinipan nilang malakas ang mga trumpeta. Naglalakad sa kanilang harapan ang mga armadong sundalo. Pero nang ang hulihang bantay ay naglakad sa likod ng Kaban ni Yahweh, saka hinipang malakas ng tuluy-tuloy ang mga trumpeta. \v 14 Nagmartsa sila sa palibot ng lungsod nang minsan sa pangalawang araw at bumalik sa kampo. Ginawa nila ito sa loob ng anim na araw.

1
06/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Maaga silang gumising nang magbubukang liwayway nang ikapitong araw at nagmartsa sila palibot ng lungsod ayon sa nakasanayan nila, sa pagkakataong ito pitong ulit. Sa araw na ito sila nagmartsa palibot ng slungsod nang pitong ulit. \v 16 Ito ay nasa ikapitong araw nang pinatunog nang malakas ng mga pari ang mga trumpeta, at iniutos ni Josue sa mga tao, "Sumigaw! Dahil ibinigay sa inyo ni Yahweh ang lungsod.

1
06/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Inilaan ni Yahweh para wasakin ang lungsod at ang lahat ng nasa loob nito. Tanging si Rahab ang bayarang babae ang mabubuhay—siya at lahat ng kaniyang sambahayan—dahil itinago niya ang mga lalaking ipinadala natin. \v 18 Pero para sa inyo, mag-ingat kayo tungkol sa mga bagay na itinakda para wasakin, kaya pagkatapos ninyo silang tandaan para wasakin huwag ninyong kunin ang kahit ano sa mga iyon. Kung gagawin ninyo ito, gagawin ninyong isang bagay na dapat wasakin ang kampo ng Israel at magdadala kayo ng kaguluhan dito. \v 19 Lahat ng pilak, ginto, at mga bagay na gawa sa tanso at bakal ay nakalaan kay Yahweh. Dapat dalhin ang mga ito sa ingatang yaman ni Yahweh."

1
06/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Kaya sumigaw ang mga tao at pinatunog nila nang malakas ang mga trumpeta. Nangyari ito nang narinig ng mga tao ang tunog ng trumpeta, sumigaw sila nang napakalakas na sigaw at gumuho ang pader kaya umakyat ang mga tao sa lungsod, sumugod ang bawat isa. At nabihag nila ang lungsod. \v 21 Winasak nila ng ganap ang lahat ng nasa lungsod gamit ang talim ng espada—lalaki at babae, bata at matanda, lalaking baka, tupa at mga asno.

1
06/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Pagkatapos sinabi ni Josue sa dalawang lalaking nagmanman sa lupain, "Puntahan ang bahay ng bayarang babae. Dalhin palabas ang babae at lahat ng kasama niya, ayon sa inyong sumpa sa kaniya."

1
06/23.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 23 Kaya ang kabataang lalaki na nagmanman ay pumasok at inilabas si Rahab. Nilabas nila ang kaniyang ama, ina, mga kapatid at lahat ng kamag-anak na kasama niya. Dinala nila sila sa isang lugar sa labas ng kampo ng Israel. \v 24 At sinunog nila ang lungsod at lahat ng naririto. Tanging pilak, ginto at mga sisidlang tanso at bakal ang inilagay sa ingatang yaman ng bahay ni Yahweh.

1
06/25.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 25 Pero pinahintulutan ni Josue si Rahab ang bayarang babae, ang sambahayan ng kaniyang ama, at lahat ng kasama niya na mabuhay. Nanirahan siya sa Israel hanggang sa araw na ito, dahil itinago niya ang mga lalaking ipinadala ni Josue para magmanman sa Jerico.

1
06/26.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 26 Pagkatapos sa pagkakataong iyon inutusan sila ni Josue kasama ng isang panunumpa at sinabi niya, "Sumpain ang tao sa paningin ni Yahweh na magtatayong muli ng lungsod na ito, ang Jerico. Sa ikapapahamak ng kaniyang panganay na anak na lalaki, ilalatag niya ang pundasyon at sa ikapapahamak ng kaniyang bunsong anak na lalaki, itatayo niya ang mga tarangkahan nito." \v 27 Kaya kasama ni Josue si Yahweh at kumalat ang kaniyang katanyagan sa buong lupain.

1
07/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Pero kumilos ng hindi tapat ang bayan ng Israel tungkol sa mga bagay na inilaan para sa pagkawasak. Si Acan na anak na lalaki ni Carmi na anak na lalaki ni Zimri na anak na lalaki ni Zera, mula sa lipi ni Juda, ay kumuha ng ilang bagay na inilaan para sa pagkawasak, at sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa bayan ng Israel.

1
07/02.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 2 Nagpadala ng mga kalalakihan si Josue mula sa Jerico sa Ai, malapit sa Beth Aven, silangan ng Bethel. Sinabi niya sa kanila, "Umakyat kayo at manmanan ang lupain." Kaya lumakad ang mga kalalakihan at minanman ang Ai. \v 3 Nang bumalik sila kay Josue, sinabi nila sa kaniya, "Huwag mong ipadala ang lahat ng tao sa Ai. Magpadala ka lamang ng dalawa o tatlong libong kalalakihan para pumunta at lusubin ang Ai. Huwag mong ipadala ang lahat ng tao sa labanan, dahil kakaunti lamang sila sa bilang."

1
07/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Kaya mahigit tatlong libong kalalakihan lamang ang pumunta mula sa hukbo, pero tumakas ang mga ito mula sa mga kalalakihan ng Ai. \v 5 Nakapatay ng mahigit tatlumpu't-anim na kalalakihan ang mga kalalakihan ng Ai habang tinugis nila sila mula sa tarangkahan ng lungsod hanggang sa tibagang bato, at pinatay nila sila habang bumababa sila sa isang burol. At natakot ang mga puso ng mga tao at iniwan sila ng kanilang tapang.

1
07/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Pagkatapos pinunit ni Josue ang kaniyang mga kasuotan. Siya at mga nakatatanda ng Israel ay naglagay ng alikabok sa kanilang ulo at iniyuko ang mukha sa lupa sa harapan ng kaban ni Yahweh, nanatili sila roon hanggang gabi. \v 7 Pagkatapos sinabi ni Josue, "Ah Panginoong Yahweh, bakit mo dinala ang bayang ito sa kabila ng Jordan? Para ibigay kami sa mga kamay ng mga Amoreo para lipulin kami? Kung gagawa lamang kami ng magkakaibang desisyon at manatili sa ibayong dako ng Jordan!

1
07/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Panginoon, ano ang maaari kong sabihin, pagkatapos tumakas ang mga Israel sa harapan ng kanilang mga kaaway! \v 9 Dahil ang mga Cananaeo at lahat ng mga naninirahan sa lupain ay narinig ito. Nakapalibot sila sa amin at ginawang makalimutan ng bayan sa mundo ang aming pangalan. At kaya anong gagawin mo para sa iyong dakilang pangalan?"

1
07/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Sinabi ni Yahweh kay Josue, "Bumangon ka! Bakit ka nakadapa diyan? \v 11 Nagkasala ang Israel. Nilabag nila ang aking tipan na aking iniutos sa kanila. Ninakaw nila ang ilan sa mga bagay na inilaan. Ninakaw nila at pagkatapos itinago rin nila ang kanilang kasalanan sa pamamagitan ng paglalagay kung ano ang kanilang kinuha sa kanilang sariling mga pag-aari. \v 12 Bilang bunga, hindi nakatayo ang bayan ng Israel sa harap ng kanilang mga kaaway. Tinalikuran nila ang kanilang mga kaaway dahil sila mismo sa kanilang sarili ay inilaan para sa pagkawasak. Hindi na ako sasama sa inyo kahit kailan maliban kung wawasakin ninyo ang mga bagay na dapat wasakin, pero nasa inyo pa rin.

1
07/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Bumangon ka! Ilaan ang bayan sa akin at sabihin sa kanila, 'Ilaan ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh para bukas. Dahil si Yahweh, ang Diyos ng Israel ay sinasabi, "Mayroong mga bagay na inilan para wasakin na nananatili sa inyo, Israel. Hindi kayo makakatayo laban sa inyong mga kaaway hanggang tanggalin ninyo mula sa inyo ang lahat ng bagay na ibinukod para wasakin."

1
07/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Sa umaga, dapat ninyong ipakita ang inyong sarili sa pamamagitan ng inyong mga lipi. Ang lipi na pinili ni Yahweh ay manggagaling malapit sa kanilang mga angkan. Dapat lumapit ang angkan na pinili ni Yahweh sa bawat sambahayan. Dapat lumapit ang sambahayan na pinili ni Yahweh. \v 15 Mangyayari ito na ang isang taong nahuli at kung sino ang may mga bagay na ibinukod para sa pagkawasak, susunugin siya, siya at lahat ng mayroon siya, dahil winasak niya ang tipan ni Yahweh at dahil nakagawa siya ng isang kahiya-hiyang bagay sa Israel."'

1
07/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Kaya, bumangon ng maaga kinaumagahan si Josue at inilapit ang Israel, lipi sa lipi, at ang lipi ni Juda ang napili. \v 17 Inilapit niya ang mga angkan ni Juda, at ang angkan ng Zerahita ang napili. Inilapit niya ang angkan ng mga Zerahita tao sa tao, at si Zabdi ang napili. \v 18 Inilapit niya ang kaniyang sambahayan, tao sa tao, at si Achan na anak na lalaki ni Carmi na anak na lalaki ni Zabdi na anak na lalaki ni Zerah, ang napili mula sa lipi ni Juda.

1
07/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Pagkatapos sinabi ni Josue kay Achan, "Aking anak, sabihin mo ang katotohanan sa harap ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, at ibigay mo ang iyong pagtatapat sa kaniya. Pakiusap sabihin mo sa akin kung ano ang iyong nagawa. Huwag mo itong itago sa akin." \v 20 Sumagot si Achan kay Josue, "Tunay nga, nagkasala ako laban kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ganito ang aking ginawa: \v 21 Nang nakita ko sa mga manloloob ang isang magandang balabal mula sa Babylon, dalawan-daang sekel ng pilak, at isang bar ng ginto na nagtitimbang ng limampung sekel, aking ninais at kinuha ko ang mga ito. Nakatago sila sa ilalim ng lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim nito."

1
07/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Nagpadala si Josue ng mga mensahero, na siyang pumunta sa tolda at naroon ang mga bagay. Nang tiningnan nila, natagpuan nila ang mga ito na nakatago sa kaniyang sariling tolda, at ang mga pilak na nasa ilalim ng mga ito. \v 23 Kinuha nila ang mga bagay mula sa gitna ng tolda at dinala nila ang mga ito kay Josue at sa lahat ng bayan ng Israel. Ibinuhos nila ang mga ito sa harapan ni Yahweh.

1
07/24.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 24 Pagkatapos kinuha ni Josue, at buong Israel na kasama niya, si Achan na anak na lalaki ni Zerah, at ang pilak, ang balabal, ang bar ng ginto, kaniyang mga anak na lalaki at babae, kaniyang mga baka, kaniyang mga asno, kaniyang tupa, kaniyang tolda, at lahat ng mayroon siya, at dinala nila sila sa lambak ng Achor.

1
07/25.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 25 Pagkatapos sinabi ni Josue, "Bakit mo kami ginulo? Guguluhin ka ni Yahweh sa araw na ito." Binato siya ng buong Israel. At sinunog nila silang lahat, at binato nila sila. \v 26 Naglagay sila sa kaniyang ibabaw ng isang malaking bunton ng mga bato na narito hanggang sa araw na ito. Pinawi ni Yahweh ang kaniyang lumalagablab na galit. Kaya ang pangalan ng lugar ay ang lambak ng Achor hanggang sa ngayong araw na ito.

1
08/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Sinabihan ni Yahweh si Josue, "Huwag matakot; huwag mapanghinaan ng loob. Dalhin mo ang lahat ng mga tao sa digmaan. Pumunta sa Ai. Tingnan mo, ang ibinibigay ko sa iyong kamay ang hari ng Ai, kaniyang bayan, kaniyang siyudad, at kaniyang lupain. \v 2 Gagawin mo sa Ai at sa kaniyang hari gaya ng ginawa mo sa Jerico at sa kaniyang hari, maliban na kunin mo ang panloloob at ang mga baka para sa iyong sarili. Magtakda ng isang pananambang sa likod ng lungsod."

1
08/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Kaya tumayo si Josue at kinuha ang mga kalalakihan sa digmaan patungong Ai. Pagkatapos pumili si Josue ng tatlumpung libong kalalakihan—malakas, matapang na mga kalalakihan—at pinadala niya sila sa gabi. \v 4 Inutusan niya sila, "Masdan ito, maglalagay kayo ng tambangan laban sa lungsod, sa likod nito. Huwag masyadong lumayo mula sa lungsod, pero maging handa kayong lahat.

1
08/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Lalapit ako at lahat ng mga kalalakihan na kasama ko sa lungsod. At kapag lumabas sila para salakayin tayo, lalayo tayo mula sa kanila gaya ng dati. \v 6 Lalabas sila pagkatapos natin hanggang ilayo natin sila mula sa lungsod. Sinasabi nila, 'Lumalayo sila sa atin gaya ng ginawa nila noong una.' Kaya lalayo tayo mula sa kanila. \v 7 Pagkatapos lalabas kayo sa lugar ng inyong pinagtataguan, at huhulihin ninyo ang lungsod. Ibibigay ito sa inyong kamay ni Yahweh na inyong Diyos.

1
08/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Kapag nahuli ninyo ang lungsdo, susunugin ninyo ito. Gagawin ninyo ito kapag susundin ninyo ang utos na ibinigay sa salita ni Yahweh. Tingnan mo, inutusan ko kayo." \v 9 Ipinadala sila ni Josue, at pumunta sila sa lugar ng tambangan, at nagtago sila sa pagitan ng Bethel at Ai sa kanluran ng Ai. Pero natulog si Josue sa gabing iyon kasama ng mga tao.

1
08/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Bumangon ng madaling araw si Josue at inihanda ang kaniyang mga sundalo, si Josue at ang mga nakatatanda ng Israel, at sinalakay nila ang bayan ng Ai. \v 11 Lahat ng lumalaban na kalalakihan ay umakyat at nilapitan ang lungsod. Lumapit sila sa lungsod at nagkampo sa hilagang dako ng Ai. Ngayon mayroong isang lambak sa pagitan nila at Ai. \v 12 Kinuha niya ang humigit-kumulang ng limang libong kalalakihan at itinakda sila sa pananambang sa kanlurang dako ng lungsod sa pagitan ng Bethel at Ai.

1
08/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Ipinuwesto nila ang lahat ng sundalo, ang mga pangunahing hukbo sa hilagang dako ng lungsod, at ang likurang bantay sa kanlurang dako ng lungsod. Nagpalipas ng gabing si Josue sa lambak. \v 14 Nangyari ito nang nakita ng hari ng Ai, siya at kaniyang hukbo ay bumangon ng maaga at nagmadaling lumabas para salakayin ang Israel sa lugar na nakaharap patungo sa lambak ng Ilog Jordan. Hindi niya alam na naghihintay ang isang pananambang para sumalakay mula sa likuran ng lungsod.

1
08/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Si Josue at lahat ng Israel ay hinayaan ang kanilang sarili na matalo sa kanilang harapan, at tumakas sila patungo ng ilang. \v 16 Lahat ng mga tao na nasa loob ng lungsod ay sama-samang tinawag para sumunod sa kanila, at sumunod sila kay Josue at lumayo sila mula sa lungsod. \v 17 Walang lalaki ang umalis sa Ai at Bethel na siyang hindi lumabas para tugisin ang Israel. Pinabayaan nila ang lungsod at iniwan itong bukas habang tinutugis nila ang Israel.

1
08/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Sinabi ni Yahweh kay Josue, "Itutok ang sibat na iyon sa iyong kamay patungong Ai, dahil ibibigay ko ang Ai sa iyong kamay." Itinutok ni Josue ang sibat na nasa kaniyang kamay patungo ng lungsod. \v 19 Ang mga sundalong nagtatago sa pananambang ay nagmadaling lumabas sa kanilang lugar nang inabot niya ang kaniyang kamay. Tumakbo at pumasok sila ng lungsod at hinuli ito. Mabilis nilang sinunog ang lungsod.

1
08/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Lumiko at lumingon ang mga kalalakihan ng Ai. Nakita nila ang usok mula sa lungsod na tumataas sa himpapawid, at hindi sila makatakas sa paraang ito o iyon. Dahil ang mga sundalong Israelita na siyang tumakas sa ilang ngayon ay bumalik para harapin ang mga tumutugis sa kanila. \v 21 Nang nakita ni Josue at lahat ng Israel na nabihag ang siyudad ng pananambang na may tumataas na usok, umikot sila at pinatay ang mga kalalakihan ng Ai.

1
08/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 At ang ibang mga sundalo ng Israel, ang mga umalis ng lungsod, lumabas para salakayin sila. Kaya hinuli ang kalalakihan ng Ai sa pagitan ng mga hukbo ng Israel, sa ilang bahagi nito at sa ilang bahagi na iyon. Sinalakay ng Israel ang kalalakihan ng Ai; wala sa kanila ang nakaligtas o nakatakas. \v 23 Itinago nila ang hari ng Ai, na siyang binihag nilang buhay, at dinala nila siya kay Josue.

1
08/24.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 24 Nangyari ito nang natapos patayin ng Israel ang lahat ng mga naninirahan ng Ai sa lupaing malapit sa ilang kung saan tinugis nila sila, at nang lahat sa kanila, sa isang kahuli-hulihan, na natalo sa pamamagitan ng talim ng espada, bumalik ang lahat ng Israel sa Ai. Sinalakay nila ito sa pamamagitan ng talim ng espada. \v 25 Lahat ng natalo sa araw na iyon, kapwa mga lalaki at babae, ay labindalawang libo, lahat ng bayan ng Ai. \v 26 Hindi ibinalik ni Josue ang kaniyang kamay na inabot niya, habang hinahawakan ang kaniyang sibat, hanggang tuluyang nawasak niya ang lahat ng bayan ng Ai.

1
08/27.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 27 Kinuha lamang ng Israel ang mga alagang hayop at ang ninakaw mula sa lungsod para sa kanilang sarili, tulad ng inutos ni Yahweh kay Josue. \v 28 Sinunog ni Josue ang Ai at ginawa itong isang tambakan ng mga nawasak magpakailanman. Ito ay isang lugar na pinabayaan sa araw na ito.

1
08/29.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 29 Ibinitin niya ang hari ng Ai sa isang puno hanggang gabi. Nang palubog na ang araw, nagbigay ng utos si Josue at kinuha nila ang katawan ng hari pababa mula sa puno at itinapon ito sa harap ng tarangkahan ng lungsod. Nagtayo sila roon ng isang malaking tambakan ng mga bato sa ibabaw nito. Nanatili ang tambakan na iyon doon sa araw na ito.

1
08/30.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 30 Pagkatapos itinayo ni Josue ang isang altar para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, sa Bundok Ebal, \v 31 gaya ni Moises ang lingkod ni Yahweh na inutusan ang bayan ng Israel, ayon sa nakasulat sa aklat ng batas ni Moises: "Isang altar mula sa hindi nahating mga bato, na walang ni isa ang makahawak sa isang bakal na kagamitan." At naghandog siya rito ng handog na susunugin kay Yahweh, at nag-alay sila ng mga handog para sa kapayapaan. \v 32 At doon sa presensya ng bayan ng Israel, isinulat niya sa mga bato ang isang kopya ng batas ni Moises.

1
08/33.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 33 Lahat ng Israel, kanilang nakatatanda, mga opisyales, at kanilang mga hukom ay tumayo sa magkabilang bahagi ng kaban sa harap ng mga pari at mga Levita na nagdala ng kaban ng tipan ni Yahweh—ang dayuhan gayundin ang ipinanganak na katutubo—nakatayo sa harap ng Bundok Gerizim ang kalahati sa kanila at nakatayo sa harap ng Bundok Ebal ang ibang kalahati. Pinagpala nila ang bayan ng Israel, gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ni Yahweh sa kanila sa simula.

1
08/34.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 34 Pagkatapos, binasa ni Josue ang lahat ng mga salita sa batas, ang mga pagpapala at ang mga sumpa, gaya ng kanilang isinulat sa aklat ng batas. \v 35 Walang isang salita mula sa lahat na inutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng pagpupulong ng Israel, kasama ang mga kababaihan, ang maliliit na mga bata, at ang mga dayuhan na siyang nanirahan sa kanila.

1
09/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Pagkatapos ang lahat ng haring nanirahan sa kabila ng Jordan sa maburol na lupain, at sa mga mababang lupain ng baybayin ng Malawak na Dagat patungong Lebanon—ang mga Heteo, Amoreo, Cananaeo, Perizeo, Hivita, at ang mga Jebuseo— \v 2 nagsama-sama ang mga ito sa ilalim ng isang pamumuno, para magkipagdigma laban kay Josue at Israel.

1
09/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Nang nabalitaan ng mga naninirahan sa Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at Ai, \v 4 gumawa sila ng isang tusong plano. Tinustusan nila ang kanilang sarili ng mga pagkain at kumuha ng mga lumang sako at nilagay nila ang kanilang mga asno. Kumuha rin sila ng mga lumang sisidlang balat ng alak, gutay-gutay, at inayos. \v 5 Inilagay nila ang luma at sira-sirang mga sandalyas sa kanilang mga paa, at nagsuot ng luma, sira-sirang kasuotan. Lahat ng kanilang pagkaing panustos ay tuyo at inaamag.

1
09/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Pagkatapos pumunta sila kay Josue sa kampo sa Gilgal at sinabi sa kaniya at sa mga kalalakihan ng Israel, "Naglakbay kami mula sa isang napakalayong bansa, kaya ngayon gumawa kayo ng isang kasunduan sa amin." \v 7 Sinabi ng mga kalalakihan ng Israel sa mga Hivita, "Marahil kayo ay naninirahan sa malapit sa amin. Paano kami gagawa ng isang kasunduan sa inyo?" \v 8 Sinabi nila kay Josue, Kami ay inyong mga lingkod." Sinabi ni Josue sa kanila, "Sino kayo? Saan kayo nagmula?"

1
09/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Sinabi nila sa kaniya, "Naparito ang inyong mga lingkod mula sa isang napakalayong lupain, dahil sa pangalan ni Yahweh na inyong Diyos. Narinig namin ang isang ulat tungkol sa kaniya at tungkol sa lahat ng bagay na ginawa niya sa Ehipto— \v 10 at lahat ng bagay na ginawa niya sa dalawang hari ng mga Amoreo sa kabilang dako ng Jordan—kay Sihon hari ng Hesbon, at kay Og hari na Bashan na naroon sa Astarot.

1
09/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Sinabi sa amin ng aming nakatatanda at lahat ng naninirahan sa aming bansa, 'Magdala kayo ng mga pagkain sa inyong mga kamay para sa paglalakbay. Lumakad kayo at salubungin sila at sabihin sa kanila, "Kami ay inyong mga lingkod. Gumawa kayo ng isang kasunduan sa amin." \v 12 Ito ang aming tinapay, mainit pa ito nang kinuha namin sa aming mga bahay sa araw na aming itinakdang pumunta rito sa inyo. Pero ngayon, tingnan ninyo, tuyo na ito at inaamag. \v 13 Itong mga sisidlang balat ay bago nang napuno ang mga ito, at tumingin ka, nasira na ang mga ito. Ang aming mga kasuotan at aming mga sandalyas ay naluma sa isang napakahabang paglalakbay."'

1
09/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Kaya kinuha ng mga Israelita ang ilan sa kanilang mga pagkain, pero hindi sila sumangguni kay Yahweh para sa patnubay. \v 15 Gumawa ng kapayapaan si Josue sa kanila at gumawa ng isang taimtim na pangakong pinagtibay ng dugo, para hayaan silang mabuhay. Gumawa rin ng isang panata ang mga pinuno ng mga tao sa kanila.

1
09/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Pagkalipas ng tatlong araw matapos gawin ng mga Israelita ang kasunduang ito sa kanila, nalaman nilang sila ay kanilang kapitbahay at nanirahan sila sa malapit. \v 17 Pagkatapos lumabas ang bayan ng Israel at pumunta sa kanilang mga lungsod ng ikatlong araw. Ang kanilang mga lungsod ay Gabaon, Caphira, Beerot, at Kiriat Jearim.

1
09/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Hindi sila sinalakay ang bayan ng Israel dahil gumawa ang kanilang mga pinuno ng isang panata tungkol sa kanila sa harapan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Nagmamaktol ang buong mga Israelita laban sa kanilang mga pinuno. \v 19 Pero sinabi ng lahat ng mga pinuno sa buong bayan, "Gumawa kami ng isang panata sa kanila tungkol sa kanila sa pamamagitan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, at ngayon hindi namin sila maaaring saktan.

1
09/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Ito ang gagawin natin sa kanila: Para maiwasan ang anumang galit na maaaring dumating sa atin dahil sa panatang isinumpa namin na sa kanila, hahayaan natin silang mabuhay." \v 21 Sinabi ng mga pinuno sa kanilang bayan, "Hayaan silang mabuhay." Kaya, naging mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig ang mga Gabaonita para sa lahat ng mga Israelita, tulad ng sinabi ng mga pinuno tungkol sa kanila.

1
09/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Ipinatawag sila ni Josue at sinabi, "Bakit nilinlang ninyo kami nang inyong sinabi, 'Napakalayo namin mula sa inyo', samantalang naninirahan kayo rito mismo kasama namin? \v 23 Ngayon, dahil dito, isinumpa kayo at ilan sa inyo ay palaging magiging mga alipin, iyong mga pumuputol ng kahoy at sumasalok ng tubig para sa bahay ng aking Diyos."

Some files were not shown because too many files have changed in this diff Show More