tl_mrk_text_reg/12/32.txt

1 line
538 B
Plaintext

\v 32 Sinabi ng eskriba, "Mahusay, Guro! Totoo ang sinabi ninyong iisa ang Diyos, at wala ng iba pa maliban sa kaniya. \v 33 Ang ibigin siya nang buong puso, nang buong pang-unawa, nang buong kalakasan, at ang ibigin ang kapwa gaya ng sarili ay higit na mahalaga kaysa sa lahat ng mga susunuging mga alay at mga hain." \v 34 Nang makita ni Jesus na siya ay nagbigay ng matalinong kasagutan, sinabi niya sa kaniya, "Hindi ka malayo sa kaharian ng Diyos." Matapos iyon walang sinumang nangahas magtanong kay Jesus ng anumang mga katanungan.