tl_mrk_text_reg/12/01.txt

1 line
575 B
Plaintext

\c 12 \v 1 Pagkatapos nagsimulang magturo sa kanila si Jesus sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, "May isang tao na gumawa ng ubasan, binakuran ang paligid nito, at gumawa ng hukay para sa pisaan ng ubas. Nagtayo siya ng toreng bantayan at pagkatapos ay pinaupahan niya ang ubasan sa mga katiwala ng ubas. Pagkatapos ay naglakbay siya. \v 2 Sa tamang panahon, ipinadala niya ang kaniyang lingkod sa mga tagapag-alaga ng ubas upang tanggapin mula sa kanila ang ilan sa mga bunga ng ubasan. \v 3 Ngunit kinuha nila siya, binugbog at pinalayas na walang dalang anuman.