tl_mat_text_reg/28/11.txt

1 line
465 B
Plaintext

\v 11 Ngayon habang papunta ang mga babae, masdan, ang ilan sa mga tagapagbantay ay pumunta sa lungsod at sinabi sa mga punong pari ang lahat ng nangyari. \v 12 Nang nagtipun-tipon ang mga pari kasama ng mga nakatatanda at pinag-usapan ang pangyayaring iyon, nagbigay sila ng malaking halaga ng pera sa mga kawal \v 13 at sinabi sa kanila, "Sabihin ninyo sa iba, 'Pumunta ang mga alagad ni Jesus noong gabi at ninakaw ang kaniyang katawan habang kami ay natutulog.'