tl_mat_text_reg/27/38.txt

1 line
371 B
Plaintext

\v 38 May dalawang magnanakaw na ipinako sa krus na kasama niya, ang isa ay sa kaniyang kanan at ang isa ay sa kaniyang kaliwa. \v 39 Inalipusta siya ng mga dumaraan, at iniling ang kanilang mga ulo \v 40 habang sinasabi, "Ikaw na sisira ng templo at itatayo ito sa loob ng tatlong araw, iligtas mo ang iyong sarili! Kung ikaw ang Anak ng Diyos, bumaba ka riyan sa krus!"