tl_mat_text_reg/26/62.txt

1 line
546 B
Plaintext

\v 62 Tumayo ang pinakapunong pari at sinabi sa kaniya, "Wala ka bang isasagot? Ano itong ipinapatotoo nila laban sa iyo? \v 63 Ngunit si Jesus ay tahimik lamang. Sinabi ng pinakapunong pari sa kaniya, "Inuutusan kita alang-alang sa Diyos na buhay, sabihin mo sa amin kung ikaw nga ba si Cristo, ang Anak ng Diyos. \v 64 Si Jesus ay sumagot sa kaniya, "Ikaw na mismo ang nagsabi. Ngunit sasabihin ko sa inyo, magmula ngayon ay inyo nang makikita ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanang kamay ng Kapangyarihan at darating na nasa mga ulap ng langit."