tl_mat_text_reg/26/51.txt

1 line
564 B
Plaintext

\v 51 Masdan ito, ang isa sa mga kasama ni Jesus ay inunat ang kaniyang kamay at hinugot ang kaniyang espada at tinapyas ang alipin ng pinakapunong pari, at tinagpas ang kaniyang tainga. \v 52 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniya, "Ibalik mo ang espada sa kaniyang kaluban, sapagkat ang lahat ng gagamit ng espada ay masasawi sa pamamagitan din ng espada. \v 53 Iniisip ba ninyo na hindi ko kayang tumawag sa aking Ama, at padadalhan niya ako ng higit pa sa labindalawang pulutong ng mga anghel? \v 54 Ngunit paano matutupad ang mga kasulatan, na dapat mangyari?"