tl_mat_text_reg/20/29.txt

1 line
445 B
Plaintext

\v 29 Habang sila ay paalis mula sa Jerico, napaka-raming tao ang sumunod sa kaniya. \v 30 At nakita nila ang dalawang bulag na lalaki na nakaupo sa daan. Nang marinig nila na si Jesus ay dumaraan, sila ay sumigaw at nagsabi, "Panginoon, Anak ni David, mahabag ka sa amin." \v 31 Subalit sinaway sila ng mga tao, sinabihan sila na tumahimik. Ngunit, lalo silang nagsisisigaw ng malakas at nagsabi, "Panginoon, Anak ni David, mahabag ka sa amin."