tl_mat_text_reg/17/19.txt

1 line
522 B
Plaintext

\v 19 Pagkatapos nito sarilinang lumapit kay Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi, "Bakit hindi namin ito mapalayas?" \v 20 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Dahil maliit ang inyong pananampalataya. Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung mayroon kayong pananampalataya na kasinliit ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, 'Lumipat ka roon,' at lilipat nga ito at walang magiging imposible sa inyo. \v 21 (Ngunit hindi mapapalayas ang ganitong uri ng demonyo maliban sa panalangin at pag-aayuno.)