tl_mat_text_reg/17/05.txt

1 line
500 B
Plaintext

\v 5 Habang siya ay nagsasalita pa, masdan ito, isang nakakasilaw na ulap ang lumilim sa kanila, at masdan ito, may isang tinig na mula sa ulap na nagsasabi, "Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Makinig kayo sa kaniya." \v 6 Nang marinig ito ng mga alagad, sila ay nagpatirapa at lubhang natakot. \v 7 Pagkatapos, lumapit si Jesus at sila ay hinawakan at sinabi, "Tumayo kayo at huwag kayong matakot." \v 8 At sila ay tumingala ngunit walang ibang nakita maliban kay Jesus lamang.