tl_mat_text_reg/15/36.txt

1 line
539 B
Plaintext

\v 36 Kinuha niya ang pitong tinapay at mga isda, at pagkatapos magbigay ng pasasalamat, pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at ibinigay sa kaniyang mga alagad. At ibinigay ng mga alagad ang mga ito sa mga tao. \v 37 Ang lahat ng tao ay nakakain at nabusog. At inipon nila ang mga pagkain mula sa pira-pirasong natira, pitong basket ang napuno. \v 38 Mayroong apat na libong lalaki ang kumain, bukod sa mga babae at mga bata. \v 39 Pagkatapos, pinauwi ni Jesus ang maraming tao at sumakay siya sa bangka at pumunta sa rehiyon ng Magadan.