tl_mat_text_reg/15/29.txt

1 line
525 B
Plaintext

\v 29 Umalis si Jesus sa lugar na iyon at pumunta malapit sa Dagat ng Galilea. Pagkatapos umakyat siya sa isang burol at doon umupo. \v 30 Napakaraming tao ang lumapit sa kaniya. Kasama nila ang mga pilay, bulag, pipi at mga lumpo, at marami pang iba na may mga sakit. Inilagay sila sa paanan ni Jesus at sila ay pinagaling niya. \v 31 Kaya namangha ang maraming tao nang nakita nila ang mga pipi na nakapagsalita, ang lumpo na napagaling, ang pilay na nakakalakad at mga bulag na nakakakita. Pinuri nila ang Diyos ng Israel.