tl_mat_text_reg/13/44.txt

1 line
471 B
Plaintext

\v 44 Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang kayamanang nakatago sa bukid. Natagpuan ito ng isang tao at itinago. Sa kaniyang kagalakan ay umalis siya at ibinenta niya lahat ng mayroon siya at binili ang bukid na iyon. \v 45 Gayun din naman, ang kaharian ng langit ay tulad ng isang mangangalakal na naghahanap ng mga mahahalagang perlas. \v 46 Nang mahanap niya ang isang perlas na may malaking halaga, umalis siya at ibinenta niya lahat ng mayroon siya at binili ito.