tl_mat_text_reg/13/36.txt

1 line
539 B
Plaintext

\v 36 Pagkatapos ay iniwan ni Jesus ang maraming tao at nagtungo sa isang bahay. Lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad at sinabi, "Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga ng mga damo sa bukid." \v 37 Sumagot si Jesus at sinabi, "Ang naghasik ng mabuting buto ay ang Anak ng Tao. \v 38 Ang bukid ay ang mundo; at ang mabuting binhi ay ang mga anak ng kaharian. Ang mga damo ay ang mga anak ng masama, \v 39 at ang kaaway na naghasik sa kanila ay ang diyablo. Ang pag-aani ay ang katapusan ng mundo at ang mga tagapag-ani ay ang mga anghel.