tl_mat_text_reg/13/31.txt

1 line
433 B
Plaintext

\v 31 Muling nagkuwento si Jesus ng talinghaga sa kanila. Kaniyang sinabi, "Ang kaharian ng langit ay tulad ng binhi ng mustasa na kinuha ng isang tao at inihasik sa kaniyang bukid. \v 32 Tunay ngang pinakamaliit ang binhing ito sa lahat ng ibang mga binhi. Ngunit nang ito ay lumaki, naging mas malaki ito kaysa sa mga halamang panghardin. Ito ay naging puno kaya ang mga ibon sa himpapawid ay pumunta at namugad sa mga sanga nito."