tl_mat_text_reg/13/24.txt

1 line
371 B
Plaintext

\v 24 Nagkuwento si Jesus ng isa pang talinghaga sa kanila. Sinabi niya, "Ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lalaking naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid. \v 25 Ngunit habang tulog ang mga tao, dumating ang kaniyang kaaway at naghasik din ng mga damo kasama ng mga trigo saka umalis. \v 26 Nang sumibol ang mga dahon at namunga ay lumitaw din ang mga damo.