tl_mat_text_reg/12/43.txt

1 line
571 B
Plaintext

\v 43 Kung ang isang masamang espiritu ay umalis sa isang tao, siya ay dadaan sa lugar na walang tubig, at siya ay maghahanap ng mapagpapahingahan, ngunit hindi niya ito mahanap. \v 44 At sasabihin nitong, 'Ako ay babalik sa dati kong tahanan kung saan ako nanggaling.' Nang makabalik, nakita niya ang bahay na malinis at maayos. \v 45 Siya ay aalis at magsasama ng pito pang espiritu na mas masama pa sa kaniya at silang lahat ay papasok at maninirahan doon. At ang kalagayan ng taong iyon ay magiging mas malala pa kaysa sa dati. Katulad ng masasamang salinlahing ito."