tl_mat_text_reg/12/01.txt

1 line
334 B
Plaintext

\v 1 Nang panahong iyon, sa Araw ng Pamamahinga, napadaan si Jesus sa mga triguhan. Ang kaniyang mga alagad ay nagutom at nag-umpisa silang pumitas ng mga uhay at kinain iyon. \v 2 Ngunit nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila kay Jesus, "Tingnan mo, ang iyong mga alagad ay gumagawa ng labag sa kautusan sa Araw ng Pamamahinga."