tl_mat_text_reg/11/25.txt

1 line
540 B
Plaintext

\v 25 Nang mga oras na iyon sinabi ni Jesus, "Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga marurunong at nakauunawa at iyong inihayag ang mga ito sa mga hindi nakapag-aral, tulad ng mga maliliit na bata. \v 26 Oo, Ama, sapagkat ito ang labis na nakalulugod sa iyong paningin. \v 27 Lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin ng aking ama. At walang nakakikilala sa Anak maliban sa Ama at walang nakakikilala sa Ama maliban sa Anak, at sa kahit sinuman na naisin ng Anak na ihayag ang Ama.