tl_mat_text_reg/02/13.txt

1 line
570 B
Plaintext

\v 13 Pagkatapos nilang umalis, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita kay Jose sa panaginip at sinabi, "Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas kayo patungong Egipto. Manatili kayo doon hanggang sa sasabihin ko, sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin siya". \v 14 Sa gabing iyon, bumangon si Jose at kinuha ang bata at ang kaniyang ina at umalis patungong Egipto. \v 15 Nanatili siya roon hanggang sa pagkamatay si Herodes. Tinupad nito ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, "Mula sa Egipto tinawag ko ang aking anak."